Mga marinong Pinoy, Ruso nasagip sa nasunog na tanker sa SoKor

NASAGIP ang may 25 tripulanteng ­kinabibilangan ng mga Pinoy at Ruso matapos na kumalat ang apoy sa dalawang oil tanker noong Sabado sa South ­Korean Port.

mga marinong pinoy ruso nasagip sa nasunog na tanker sa sokor - Mga marinong Pinoy, Ruso nasagip sa nasunog na tanker sa SoKor
ABANTE SoKor - Mga marinong Pinoy, Ruso nasagip sa nasunog na tanker sa SoKor

NASAGIP ang may 25 tripulanteng ­kinabibilangan ng mga Pinoy at Ruso matapos na kumalat ang apoy sa dalawang oil tanker noong Sabado sa South ­Korean Port.

Wala naman nadamay na Filipino crew sa mga nasugatan.

Ayon sa SK Coast Guard, una umanong may narinig na pagsabog sa Stolt Groenland, na isang Cayman Island-flagged oil tanker na nakadaong sa southern port ng Ulsan ganap na alas-10:50 ng umaga.

Kasunod nito ay kumalat ang apoy ­hanggang sa isa pang oil tanker na 9,000-tonne, South ­Korean-flagged Bow Dalian na may 21 crew na ­nakasakay.

Lahat ng marino ng dalawang oil tanker ay ­nasagip pero 10 manggagawa sa terminal ang ­sugatan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *