Mga Marcos, Tantoco lusot sa P1B tagong-yaman

DAHIL sa kawalan ng ebidensya, ibinasura ng Sandiganbayan ang P1.052 bilyong ill-gotten wealth case laban may dating Pangulong Ferdinand Marcos at maybahay na si Imelda Marcos gayundin sa negosyanteng si Bienvenido Tantoco Sr.

mga marcos tantoco lusot sa p1b tagong yaman - Mga Marcos, Tantoco lusot sa P1B tagong-yaman
marcos 3 - Mga Marcos, Tantoco lusot sa P1B tagong-yaman

DAHIL sa kawalan ng ebidensya, ibinasura ng Sandiganbayan ang P1.052 bilyong ill-gotten wealth case laban may dating Pangulong Ferdinand Marcos at maybahay na si Imelda Marcos gayundin sa negosyanteng si Bienvenido Tantoco Sr.
Sa 30 pahinang desisyon ng Sandiganbayan Second Division na sinulat ni Associate Justice Michael Frederick Musngi, at kinatigan nina Division Chairperson Oscar Herrera Jr. at Associate Justice Lorifel Pahinma, iginiit ng korte na nabigo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na magpresinta ng matitibay na ebidensya sa kaso.
Nakukulangan ang Sandiganbayan sa apat na testigo na iniharap ng PCGG gayundin ang mga ebidensya ay pawang photocopies lamang na hindi katanggap-tanggap sa ilalim ng Best Evidence Rule habang may mga ebidensya na hindi tinanggap dahil hindi ito naiprisinta sa discovery proceedings.
Ang kaso ay may kaugnayan sa 11 real estate na pagmamay-ari ng pamilya Tantoco na nasa Pilipinas, Hawaii at Rome gayundin ang shares of stocks nito sa 19 kompan­ya at ilang mga motor vehicles, tatlong Cessna aircraft, cash at pera sa banko at mga alahas.
Hindi rin umano napatunayan ng PCGG na si Tantoco ay umakto bilang dummy ng mag-asawang Marcos para makuha ang prangkisa para makapag-operate ng Tourist Duty Free Shops Inc.
Ipinalalabas ng PCGG na 7% lamang ng franchise tax ang ibinayad ni Tantoco para sa duty free operations dahil ang kabuuan ng assets nito ay pagmamay-ari ng mga Marcos subalit sa desisyon ng Sandiganbayan sinabi nito na hindi sila kumbinsido sa alegasyon ng PCGG dahil ang mga ebidens­yang naiharap lamang nito sa graft court ay mga sulat mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na ang nilalaman ay ang tax deficiencies ng Duty Free at hindi ang pagi­ging dummy ni Tantoco, at pagpapatunay na pagmamay-ari ng mga Marcos ang kompanya.
“These letters do not show that the defendants are dummies of the defendants Marcoses in its operation of the duty-free shops. The claim that five percent of the franchise tax paid by Tourist Duty Free Shops, Inc. went to defendant Imelda Marcos has no evidentiary support. Clearly, these documents are palpably insufficient to prove that defendants are concealing illegally obtained assets or even amassing ill-gotten wealth,” nakasaad sa desisyon ng Sandiganbayan.
Wala din umanong katibayan na umakto na dummy si Tantoco para makapagkamal ng mga alahas, real estate at bilyong piso para sa mag-asawang Marcos.
“Evidently, the plaintiff Republic failed to prove by preponderance of evidence that the defendants by themselves, or in conspiracy with defendants Marcoses, obtained ill-gotten wealth,” ayon pa sa desisyon.
Matatandaan na noong Agosto ay ibinasura rin ng Sandiganbayan ang P102 bilyong ill gotten wealth case laban sa mga Marcos dahil sa kawalan ng ebidensya, may kaugnayan naman ito sa interes sa Aklan Bulk Carriers, Inc., Fuga Bulk Carriers, Inc., Coron Bulk Carriers, Inc. Ecija Bulk Carriers, Inc.at pagkamal ng kita mula sa RPN-9 at IBC-13. (Tina Mendoza/Yves Briones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *