Mga magsasaka dehado sa import policy ng gobyerno — Roxas

HINIMOK ni dating Senador Mar Roxas ang gobyerno na bigyan ng prayoridad ang produkto ng mga magsasaka sa bansa bago itulak ang importasyon.

The post Mga magsasaka dehado sa import policy ng gobyerno — Roxas appeared first on Abante News Online.

mga magsasaka dehado sa import policy ng gobyerno roxas - Mga magsasaka dehado sa import policy ng gobyerno — Roxas
abante Roxas - Mga magsasaka dehado sa import policy ng gobyerno — Roxas

HINIMOK ni dating Senador Mar Roxas ang gobyerno na bigyan ng prayoridad ang produkto ng mga magsasaka sa bansa bago itulak ang importasyon.

Sinabi ito ni Roxas dahil sa patuloy na nalu­lugi ang mga magsasaka sa kompetisyon, dahil kailangan nilang ibagsak ang presyo ng kanilang ani upang mapantayan ang bagsak presyong mga imported na agricultural product.

Sa Nueva Ecija lamang kung saan matatagpuan ang taniman ng mga sibuyas at bawang, sinabi ni Roxas na binabantaan ng mga trader ang magsasaka dito na mag-iimport na lamang sila kung hindi ibabagsak ang presyo ng kanilang mga ani.

“Binabantaan yun mga magsasaka dito na kung hindi nila ibabagsak ang kanilang presyo hindi na sila bibili…kaya makikita niyo dito sa pamilihan ng Guimba na ang presyo ng imported at ang presyo ng local ay magkaparehas lang. So walang laban talaga, dehadong dehado ang magsasakang Pilipino.” diin pa niya.

Kinastigo din ni Roxas ang mga economic manager dahil sa pagbibigay prayoridad sa importation kaysa sa tulungan ang mga magsasaka.

“Hindi naman tama na iyong pangunahing policy ng gobyerno natin ay importasyon kaagad. Nasa Marso-Abril pa lamang tayo importasyon na, antayin natin, bigyan natin ng chance iyong mga magsasaka na sila muna magproduce,” giit pa ni Roxas.

The post Mga magsasaka dehado sa import policy ng gobyerno — Roxas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *