Mga LSI maghintay ng anunsyo sa biyahe – Malacañang

Nanawagan ang Malacañang sa mga locally stranded individual (LSIs) na umuwi muna sa kanilang bahay at huwag tumambay sa Libingan ng mga Bayani dahil wala pang schedule para magpauwi sa mga probinsiya.

The post Mga LSI maghintay ng anunsyo sa biyahe – Malacañang first appeared on Abante.

mga lsi maghintay ng anunsyo sa biyahe malacanang - Mga LSI maghintay ng anunsyo sa biyahe – Malacañang
roque 7 - Mga LSI maghintay ng anunsyo sa biyahe – Malacañang

Nanawagan ang Malacañang sa mga locally stranded individual (LSIs) na umuwi muna sa kanilang bahay at huwag tumambay sa Libingan ng mga Bayani dahil wala pang schedule para magpauwi sa mga probinsiya.

Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang panawagan kasunod ng obserbasyon na marami sa mga LSI ang gusto lamang makasabay sa libreng tulong ng gobyerno para makauwi sa lalawigan.

Sinabi ni Roque na wala pang anunsyo para sa susunod na schedule sa pagpapauwi sa mga LSI kaya mas makabubuting bumalik muna ang mga ito sa kanilang mga bahay.

“Nakikiusap ako sa mga nagtitipon-tipon diyan sa Libingan ng mga Bayani, kung pupuwede bumalik muna sa inyong mga tinitirhan dito sa Metro Manila. Wala pa pong ina-announce na schedule itong programa natin na paghahatid tulong sa probinsiya,” ani Roque.

Nasa ilalim pa aniya ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at bawal magkumpulan dahil sa peligro ng COVID-19.

Sinabi ni Roque na ipapaalam na lamang sa pamamagitan ng media kapag mayroon nang schedule para makabiyahe pauwi sa lalawigan ang mga LSI.

“Uulitin ko po dahil wala pang schedule, nakikiusap po kami doon sa mga nagtitipon-tipon, GCQ po ngayon 10 persons or 10% lang ang capacity pero open air `yan so limited to 10% lang iyan, umuwi muna po kayo,” sabi pa ni Roque.

Batay sa obserbasyon ni Presidential Management Staff (PMS) Undersecretary Joseph Encabo, may ibang LSI na halata namang may kaya uman pero gustong sumabay sa libreng biyahe para sa mga mahihirap upang makauwi sa kanilang lalawigan.(Aileen Taliping)

The post Mga LSI maghintay ng anunsyo sa biyahe – Malacañang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *