Mga lobbyist sa endo bill huhubaran ng Senado

Nais ni Senador Joel Villanueva na paim­bestigahan sa Senado ang mga negosyante at kompanyang nasa likod na iresponsableng pahayag laban sa Security of Tenure (SOT) o Endo bill na nauna nang lumabas sa isang pahayagan.

The post Mga lobbyist sa endo bill huhubaran ng Senado appeared first on Abante News Online.

mga lobbyist sa endo bill huhubaran ng senado - Mga lobbyist sa endo bill huhubaran ng Senado
ABANTE joel - Mga lobbyist sa endo bill huhubaran ng Senado

Nais ni Senador Joel Villanueva na paim­bestigahan sa Senado ang mga negosyante at kompanyang nasa likod na iresponsableng pahayag laban sa Security of Tenure (SOT) o Endo bill na nauna nang lumabas sa isang pahayagan.

“Gusto ko ring malaman sino itong mga negosyante na ito, mga companies na nagsasabi ng irresponsible statements. Mismong doon sa article, ni hindi nila masabi kung sino at kong anong grupo sila,” pahayag ni Villanueva, chair ng Senate labor committee, sa panayam ng mga reporter.

Ayon kay Villanueva, kailangan matukoy kung sino ang mga negosyante at lobbyist na diumano’y lumalason hindi lamang sa isipan ng mga mamamayan kundi kay Pangulong Rodrigo Duterte para hindi maisabatas ang naturang panukala.

“I wanted to not just want to talk to them, I wanted to investigate them. It appears na hindi na sila nagbabayd ng 13th month, it appears they are not paying SSS, it appears they are not paying Pag-Ibig,” sabi ni Villanueva, principal author at sponsor ng nasabing panukala.

“Hindi po pupuwede yan batas na po yan, even without SOT law batas na po yan. I wanted to find out, sino mga business perms na ito paiimbestigahan natin ito,” diin pa nito.

Nakasaad din sa nasabing artikulo na ire-require ng mga principal na gawing regular employee iyong mga contractual employee.

“Walang pong nakasaad sa panukalang batas, na automatic, ire-regularize o iha-hire ng principal (contractual employees). Ang importante po dito ay mabigyan ng legal na lisensiya itong mga job contract firms,” ani Villanueva.

Ayon pa sa Senador, napakahalaga aniya ng endo bill dahil ito ang magbibigay ng ‘peace of mind’ at security of tenure sa mga manggagawa.
“Ano bang mangyayari ‘pag naisabatas ito? Unang-unang may peace of mind ang ating manggagawa, ito naman ang hina­hanap natin, ito ang pangarap natin, peace of mind,” paliwanag ng senador.

“Magkaroon sila ng security of tenure. Yung mga benepisyo na dapat sa kanila, diniinan po natin. Yung pagtanggal sa kanilang dapat mayroon due process na tinatawag, yung kaparusahan, ngayon walang kaparusahan pag ikaw ay biktima ng endo,” dugtong pa nito.

Kung hindi aniya maisasabatas ang SOT bill, patuloy na maabuso ang manggagawang Pilipino. (Dindo Matining)

The post Mga lobbyist sa endo bill huhubaran ng Senado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *