Mga LGU binuyo ng DOF: Singil sa amilyar palobohin!

INUUDYOK ng Department of Finance (DOF) ang mga local government unit (LGU) na taasan ang sinisingil na mga amelyar sa pamamagitan ng pagtaas ng valuation ng mga lupa at iba pang real pro­perty.

The post Mga LGU binuyo ng DOF: Singil sa amilyar palobohin! appeared first on Abante News Online.

mga lgu binuyo ng dof singil sa amilyar palobohin - Mga LGU binuyo ng DOF: Singil sa amilyar palobohin!
amilyar - Mga LGU binuyo ng DOF: Singil sa amilyar palobohin!

INUUDYOK ng Department of Finance (DOF) ang mga local government unit (LGU) na taasan ang sinisingil na mga amelyar sa pamamagitan ng pagtaas ng valuation ng mga lupa at iba pang real pro­perty.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ni Bureau of Local Government Finance deputy executive director Jose Arnold Tan na makalilikom pa ng P23 bilyon ang mga lungsod sa pamamagitan lang ng pagtaas ng halaga ng lupa at iba pang real property dahil ang pagsingil ng amil­yar ay batay sa lupa.

Sabi pa ni Tan, ang mga probinsya naman ay makakukuha pa ng P7.4 bilyon kung mas mahal na halaga ng lupa ang kanilang gagamitin sa pagsingil ng amilyar.

Ang nais na gawin ng DOF na pagmahal ng buwis sa lupa o ang real property tax system ay ang pangatlong package ng pagpapalit sa sistema ng buwis sa bansa na nauna ng isinabatas ang TRAIN Law na nagpasipa sa presyo ng mga bilihin nu’ng isang taon.

Ayon kay finance secretary Carlos Dominguez III, ito ay mga repormang magpapasigla sa real estate market at magpapasok ng investments at magpapalaki ng kita ng mga LGU.

“Essentially, real estate is the most valua­ble asset and biggest financial resource. But its contribution to go­vernment revenues, particularly for local governments, has remained dismal due to outdated SMV (sche­dule of market values), poor collection efficiency and tax administration and lack of uniformity in the valuation of real property,” sabi ni Dominguez.

Ayon sa DOF, 60% lamang ng regional district offices ng Bureau of Internal Revenue ang may updated zonal values.

Isa sa mga problema ay may 23 natio­nal government agencies na nagsisigawa ng kani-kanilang valuation sa real property at iba-iba ang kanilang sistema. Dahil dito, ang laki ng kaibahan ng mga valuation kung saan umaabot sa 13% hanggang 94% ang disparity o kaibahan. (Eileen Mencias)

The post Mga LGU binuyo ng DOF: Singil sa amilyar palobohin! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *