Mga kritiko supalpal sa mataas na rating ni Duterte

HABANG binibira ay lalong tumataas ang rating ni Pangulong Rod­rigo Duterte na indikasyong hindi natitinag ang suporta sa kanya ng maraming Pilipino.

The post Mga kritiko supalpal sa mataas na rating ni Duterte appeared first on Abante News Online.

mga kritiko supalpal sa mataas na rating ni duterte - Mga kritiko supalpal sa mataas na rating ni Duterte
duterte digong 2 - Mga kritiko supalpal sa mataas na rating ni Duterte

HABANG binibira ay lalong tumataas ang rating ni Pangulong Rod­rigo Duterte na indikasyong hindi natitinag ang suporta sa kanya ng maraming Pilipino.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ilabas ng Social Weather Stations (SWS) ang satisfaction rating ng Pangulo sa ginawang survey nitong Marso 2019.

Batay sa survey, tumaas ng anim na puntos ang rating ng Pangulo na nakakuha ng +66 nitong Marso mula sa dating +60 noong Dis­yembre 2018.

Sinabi ni Panelo na malinaw ang mensahe ng survey na habang binibira at sinisiraan si Pangulong Duterte ay lalong umaangat ito sa survey.

“The message of the survey is crystal clear. The more the critics and detractors malign PRRD, the higher the rating he gets. These political adversaries are being swallowed by their own hubries. They appear to be enscorned if not entangled in their own web of lies that they cannot unshackle themselves from it,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na naging bingi ang mga kritiko at oposisyon sa boses ng mayorya ng mga Pilipino at bulag  sa mga pagbabago na naisulong ni Pangulong Duterte sa bansa.

Sa halip aniya na ipagpatuloy ang hate campaign laban sa Presidente, hinimok ni Panelo ang oposisyon at mga kritiko na lumahok na lamang sa mga sumusuporta sa programa ng administrasyon para mas mapaigting ang pagsisilbi at pagprotekta sa mga Pilipino at magkakaroon pa sila ng kontribusyon para sa pagsulong at pagbabago ng bansa.

Idinagdag pa ni Pa­nelo na naghahabol ng panahon si Pangulong Duterte para matugunan ang mga ipina­ngako noong panahon ng kampanya gaya ng paglutas sa problema sa iligal na droga, krimi­nalidad, korapsiyon at rebelyon kaya hindi ito magpapaapekto sa mga humahadlang sa kanyang isinusulong na pagbabago sa Pilipinas.

“No negative force will distract the President  from his goal of liberating the people from the causes that enslave them and stunt the growth of the country,” dagdag pa ni Panelo.

The post Mga kritiko supalpal sa mataas na rating ni Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *