Mga kritiko ni Duterte bingi – Palasyo

Tinawag ng Malacañang na bingi ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos punahin ang State of the Nation Address (SONA) nito dahil sa kawalan umano ng konkretong roadmap kung paano makabangon ang bansa sa epekto ng COVID pandemic.

mga kritiko ni duterte bingi palasyo - Mga kritiko ni Duterte bingi – Palasyo
roque 4 - Mga kritiko ni Duterte bingi – Palasyo

Tinawag ng Malacañang na bingi ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos punahin ang State of the Nation Address (SONA) nito dahil sa kawalan umano ng konkretong roadmap kung paano makabangon ang bansa sa epekto ng COVID pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malinaw na binanggit ng Pangulo sa kanyang mahigit isang oras na talumpati ang Tax Reform Act , gayondin ang Bayanihan to Heal as One part 2.

Inilahad din aniya ng Presidente sa kanyang SONA ang stimulus package na gagamitin para makabangon ang ekonomiya ng bansa.

“Siguro po bingi sila pero narinig ko po iyon,” ani Roque.

Isa sa patunay aniya na kumikilos ang gobyerno para tugunan ang problema sa COVID-19 at labanan ang mas pagkalat pa ng kontaminasyon ay ang one-government approach sa pamamagitan ng ginagawa ng apat na czars na inatasan ng Pangulo.(Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *