Mga Korean prisoner VIP treatment Prostitusyon sumabog sa BI

SUMAMBULAT ang mga iligal na aktibidad sa loob ng Bureau of Immigration (BI) Detention Center sa Bicutan, Taguig City na kinasasangkutan diumano ng mga Korean prisoner na binibigyan ng VIP treatment at ilang tiwaling kawani ng nasabing bilangguan.

The post Mga Korean prisoner VIP treatment Prostitusyon sumabog sa BI appeared first on Abante News Online.

mga korean prisoner vip treatment prostitusyon sumabog sa bi - Mga Korean prisoner VIP treatment Prostitusyon sumabog sa BI
abante prison - Mga Korean prisoner VIP treatment Prostitusyon sumabog sa BI

SUMAMBULAT ang mga iligal na aktibidad sa loob ng Bureau of Immigration (BI) Detention Center sa Bicutan, Taguig City na kinasasangkutan diumano ng mga Korean prisoner na binibigyan ng VIP treatment at ilang tiwaling kawani ng nasabing bilangguan.

Inilahad ng isang Yoj M. Eala sa kanyang Facebook account ang mga katiwaliang nagaganap umano sa loob ng BI facility kung saan bukod sa prostitusyon ay nakakapagpuslit din ng droga.

Sabi ni Eala, hindi madaling makapasok sa BI facility dahil sa gate pa lang ay dumadaan muna sa masusing inspection at isinasailalim din sa body search sa loob ng admin office bago makapasok sa visitor’s lounge.

Gayunman, hindi na umano dumadaan sa ganitong proseso ang mga ‘young Korean girls’ na sangkot sa prostitusyon at pinapayagan din ang mga ito na pumasok sa men’s dorm at sa VIP room ng mga nakakulong na Koreano.

Sinabi ni Eala na airconditioned ang mga VIP room na ibinibigay sa sinumang nakakulong sa BI facility na kayang magbayad para sa short time.

“I saw it with my own eyes during my visits there,” ani Eala.

Sa pamamagitan aniya ng mga bugaw o ‘Harry Potter’ ay tumatanggap ang mga BI admin personnel at guard ng 35% na komisyon sa bawat prostitute na pinapapasok sa BI facility.

“Rate is 5K pesos per girl or P1,750 commission for the BI admin personnel and guards,” ani Eala.

Pero hindi lang umano prostitusyon­ ang pakay ng mga ‘young Korean girls’ na pumapasok sa BI facility. Nagsisilbi rin aniya ang mga ito bilang drug courier.

Ipinagbabawal umano sa BI facility ang cellphone pero malayang nakakapagdala nito ang mga Korean prostitute.

Isiniwalat pa ni Eala na may mga Pilipino sex worker din na nakakapasok sa BI facility.

“Their price is P2,000 per ‘session’ and their pimp or bugaw is a Nigerian detainee,” ani Eala.

Kaugnay nito, inihayag kahapon ng BI na magsasagawa sila ng imbes­tigasyon hinggil sa mga alegasyong ipinost sa social media tungkol sa prostitusyon sa loob ng kanilang detention facility.

Sa isang pahayag, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na mahaharap sa kasong administratibo ang mga mapapatunayang sangkot sa iligalidad.

“We will likewise be conducting an investigation on the motives of the series of posts of said Facebook ­account,” ani Eala. (With PNA)

The post Mga Korean prisoner VIP treatment Prostitusyon sumabog sa BI appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *