Mga korap sa BOC wawalisin ni Digong

BOC nalugi ng ₱500M sa nawalang 641 container

MADARAGDAGAN na naman ang listahan ng mga opisyal na masisibak sa puwesto makaraang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami siyang aalisin sa Bureau of Customs (BOC) dahil sa katiwalian pagbalik niya sa Metro Manila.

The post Mga korap sa BOC wawalisin ni Digong appeared first on Abante News Online.

mga korap sa boc wawalisin ni digong - Mga korap sa BOC wawalisin ni Digong
boc 1 - Mga korap sa BOC wawalisin ni Digong

MADARAGDAGAN na naman ang listahan ng mga opisyal na masisibak sa puwesto makaraang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami siyang aalisin sa Bureau of Customs (BOC) dahil sa katiwalian pagbalik niya sa Metro Manila.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Chen Yi Agreventures Rice Processing Complex sa Alangalang, Leyte noong Biyernes nang gabi na hindi siya titigil sa pagsibak ng mga opisyal hangga’t hindi natitigil ang paggawa ng katiwalian.

“I will go for the Customs again. There will be a lot of dismissals I hope. And I try to really stop the corruption in the higher crust of government,” anang Pa­ngulo.

Papalitan aniya nito ng mga sundalo ang lahat ng mga nasa Customs dahil hindi niya maaasahan ang mga nakaupo ngayon sa ahensiya.

Hindi kumbinsido si Pangulong Duterte na hindi maaring hawakan ng militar ang isang ahensiya lalo na kung palubog na ito sa katiwalian.

“I am just telegraphing. Then maybe ilagay ko na sa army talaga ‘yang nasa ano. Since I cannot depend on the idiots, what should I do? Follow the rule that itong mga army, police, hindi makadala. And if my country is sinking, you want me to follow a rule that cannot help my country? I will not,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang sa unang bugso ng pagbalasa sa BOC noong nakalipas na taon ay nagtalaga na rin si Pangulong Duterte ng mga sundalo para tumulong sa pagbabantay sa ahensiya, subalit nakakapuslit pa rin umano ang mga kontrabando.
Nauna rito, nadiskubre ng BOC ang nawawalang 641 container sa panaho ng pamumuno ni dating Commissioner Isidro Lapeña. Tinatayang P100 milyon hanggang kalahating bilyong piso ang nalugi sa gobyerno dahil sa pagpuslit ng mga container na naglalaman umano ng mga bigas, asukal at sigarilyo. (Aileen Taliping)

The post Mga korap sa BOC wawalisin ni Digong appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *