Mga K-9 dog bayani sa Luzon lindol

KINILALA bilang ‘fur heroes’ ang siyam na K-9 dogs na naging katuwang sa search and rescue operation sa may 16 kataong nasawi at dosenang nasugatan sa gumuhong apat na palapag na Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga dahil sa 6.1 magnitude lindol na tumama sa Luzon.

The post Mga K-9 dog bayani sa Luzon lindol appeared first on Abante News Online.

mga k 9 dog bayani sa luzon lindol - Mga K-9 dog bayani sa Luzon lindol
abante K 9 - Mga K-9 dog bayani sa Luzon lindol

KINILALA bilang ‘fur heroes’ ang siyam na K-9 dogs na naging katuwang sa search and rescue operation sa may 16 kataong nasawi at dosenang nasugatan sa gumuhong apat na palapag na Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga dahil sa 6.1 magnitude lindol na tumama sa Luzon.

Ang K9 team ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ay kinabibilangan nina Billy, 3-taong Belgian Malinois; Thunder, 5-taong Jack Russel Terrier; Farah, 2, at Cody, 1, kapwa German Shepherds, Lucy, 1, at Dumbo, 4, Dutch Shepherds, at Chia, 2, at 5-taong Chaplin at Ringo, pawang mga Labrador Retriever.

Sa tulong ng mga K-9 dogs, nahanap at na-rescue si Grace Melchor, empleyado ng supermarket, gayundin ay natunton ang bangkay ng biktimang si May Ann Sales.

Ayon kay Sheryl Maon-Palcis, head ng MMDA K9 information and planning office, ang mga naturang aso ay una nang idineploy sa search and rescue operations sa naganap na landslide sa Naga, Cebu at Itogon, Benguet.

Nabatid na ang mga aso ay binibigyan ng reward kapag nakakadiskubre ng survivor para ma-boost ang kanilang morale.

Nabatid na ang volunteer group ay inisyatibo ng MMDA mula pa noong 2012 at ang K9 dogs ay nai-team sa Philippine Air Force (PAF)at Philippine Coast Guard(PCG).

Ang papuri sa mga K-9 dogs ay nai-post sa Facebook na humamig ng 31,000 reactions at 20,000 shares. (Juliet de Loza-Cudia)
Attachments area

The post Mga K-9 dog bayani sa Luzon lindol appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *