Mga health worker ‘wag maghinanakit sa PSG

Ipinagkibit-balikat ng Malacañang ang puna ng Filipino Nurses United na mistulang inapi umano ng gobyerno ang health workers dahil mas binigyang-prayoridad ang mga sundalo para bakunahan ng pangontra sa COVID-19.

The post Mga health worker ‘wag maghinanakit sa PSG first appeared on Abante.

mga health worker wag maghinanakit sa psg - Mga health worker ‘wag maghinanakit sa PSG
abante health worker 3 - Mga health worker ‘wag maghinanakit sa PSG

Ipinagkibit-balikat ng Malacañang ang puna ng Filipino Nurses United na mistulang inapi umano ng gobyerno ang health workers dahil mas binigyang-prayoridad ang mga sundalo para bakunahan ng pangontra sa COVID-19.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabakunahan na ang ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) kahit wala pang inaaprubahang bakuna sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakalatag na ang mga prayoridad sa immunization program at malinaw na kasama dito ang health workers.

“Wala pong katuturan iyang pagpupulang iyan. Talaga lang po siguro galing iyan sa mga nais nang matigil ang termino ni Presidente ” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi pa nasisimulan ang vaccination program kaya walang dapat na ipagmarakulyo ang ilang grupo kung bakit hindi sila ang inuna sa bakuna.

Hindi aniya gastos ng gobyerno ang pagbakuna sa ilang miyembro ng PSG kaya walang dahilan para maghinanakit ang grupong Filipino Nurses United.

“Pag ang ginamit kaban ng bayan, susundin natin yung prayoridad na naianunsiyo na natin- simula po iyan yong mga mahihirap, iyong frontliners, mga kasundaluhan at mga kapulisan,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

The post Mga health worker ‘wag maghinanakit sa PSG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *