Mga hao-siao online courier banta sa seguridad ng bansa

NAGBABALA si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza sa mga naglipanang ‘colorum’ na mga online courier service provider at forwarder dahil posibleng magamit ito sa pag­laganap ng iligal na droga at tero­rismo sa bansa.

mga hao siao online courier banta sa seguridad ng bansa - Mga hao-siao online courier banta sa seguridad ng bansa
ABANTE online - Mga hao-siao online courier banta sa seguridad ng bansa

NAGBABALA si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza sa mga naglipanang ‘colorum’ na mga online courier service provider at forwarder dahil posibleng magamit ito sa pag­laganap ng iligal na droga at tero­rismo sa bansa.

Ayon kay Atienza, ipasisilip niya sa Kamara sa pamamagitan ng isang House probe ang mga naglitawang hao-siao na online courier services dahil posibleng makakompromiso ito sa pambansang seguridad.

Ginawang halimbawa ni Atienza ang insidente sa Maynila noong 2017 kung saan isang pipe bomb ang inilagay ng mga masasamang loob sa isang gift package bago ipadala sa target na si Atty. Nasser Abinal, presidente ng Imamate Islamic Center sa Quiapo gamit ang app-based courier na GrabExpress Delivery.

Dalawang katao ang namatay kabilang na ang drayber ng GrabExpress at ang aide ni Abinal na si Muhammad Baniga na tumanggap ng nasabing bomb package.
“This I promise you, I will look into matter. The e-commerce and courier industry is growing fast and there is need to protect the consumers and users of these products ordered online and delivered to their houses and offices,” saad ni Atienza.

Isang Grab rider din umano ang nagsumbong sa pulisya matapos ayaw pabuksan ng isang nagpa-deliver ang kanyang ipinadalang bagay na kalaunan ay natuklasang may laman na iligal na droga.

Paliwanag ni Atienza, nakatanggap siya ng mga sumbong na hindi bababa sa limang online courier services na nagne-negosyo sa bansa ay hindi kuwalipikado o walang sapat na dokumento at permit sa mga awtoridad.

Ayon kay Atienza, dapat magkaroon ng regulasyon ang industriya ng online courier services hindi lamang dahil ito’y isa ng multi-bilyong industriya kundi para din sa kapakanan ng mga consumer.

“If we need to craft a law to regulate the courier services to protect the consumers and the small-time players in the industry, we will have to do it,” saad ni Atienza. (JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *