Mga handler ni Bikoy tanga – Sotto

TINAWAG na tanga ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang mga pumatol kay Peter Joemel Advincula na nagpakilala siya si alyas ‘Bikoy’ sa kontrobersyal na “Ang Totoong Narcolist” video.

The post Mga handler ni Bikoy tanga – Sotto appeared first on Abante News Online.

mga handler ni bikoy tanga sotto - Mga handler ni Bikoy tanga – Sotto
sotto bikoy - Mga handler ni Bikoy tanga – Sotto

TINAWAG na tanga ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang mga pumatol kay Peter Joemel Advincula na nagpakilala siya si alyas ‘Bikoy’ sa kontrobersyal na “Ang Totoong Narcolist” video.

Ipinaalala ni Sotto na una na niyang tinanggihan ang paglutang ni Advincula nang lumapit ito sa kanya noong 2016 at inaalok ang impormasyon hinggil sa pagkakasangkot nina dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at mga dati nitong opisyal sa droga.

“Ewan ko kung bakit, kung sino itong mga tangang pumatol e. ‘Di ba dinala pa sa IBP (Integrated Bar of the Philippines)?” sabi ni Sotto.

Nang lumutang si Advincula sa IBP, iginiit ni Sotto at maging ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, na siyang chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, na mas makabubuting magpakita muna ng sapat na mga ebidensiya si Advincula bago nila ito patulan para sa imbestigasyon ng Senado.

Samantala, inihayag ng Philippine National Police (PNP) na dinala nila sa ospital si Advincula matapos itong makaranas ng pananakit ng dibdib sanhi ng high blood at sumakit din ang ulo.

Pero ibinalik din ito sa kustodiya ng PNP matapos ipatingin sa ospital ang kalagayan nito, ayon kay PNP Director General Oscar Albayalde.

Nabatid naman na ipinatawag ng Department of Justice (DOJ) si Advincula kaugnay sa bagong rekla­mong estafa na isinampa laban sa kanya ng isang negosyante sa Albay.

Inatasan ni Assistant State Pro­secutor Herbet Calvin si Advincula na pumunta sa DOJ sa Mayo 28 at Hun­yo 4 ganap na alas-11:00 nang umaga para sagutin ang reklamong isinampa ni Arven Valmores, ng Ardeur World Marketing, kaugnay sa beauty pa­geant na inorganisa nito noong 2018.

Sa reklamo ni Valmores na inihain noong Mayo 10, hindi umano nagpakita si Advincula sa pageant na ginanap noong Agosto 11, 2018 pagkatapos nitong gamitin ang corporate name at logo ng naturang kompanya sa kanyang promosyon.

Ayon kay Valmores, umabot sa P304,422 ang kabuuang nagastos niya kasama na ang premyo ng mga nanalong kandidata. (Dang Samson-Garcia/Juliet de Loza-Cudia)

The post Mga handler ni Bikoy tanga – Sotto appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *