Mga guro nasa panganib sa modular learning

“Napakabigat ng responsibilidad ng mga public school teachers sa new modes of learning. Dapat may nakalaang budget ang gobyerno para mapagaan ito.”

The post Mga guro nasa panganib sa modular learning first appeared on Abante.

mga guro nasa panganib sa modular learning - Mga guro nasa panganib sa modular learning
guro 1 - Mga guro nasa panganib sa modular learning

“Napakabigat ng responsibilidad ng mga public school teachers sa new modes of learning. Dapat may nakalaang budget ang gobyerno para mapagaan ito.”

Ito ang sinabi ni Senador Risa Hontiveros kasabay nang paghikayat sa Department of Education (DepEd) na maglaan ng dagdag pang pondo sa 2021 national budget para ma-cover ang health benefits at iba pang equipment na kinakailangan ng mga public school teacher sa bagong ‘mode of learning’.

“Dapat siguraduhin nating naaalagaan ang mga guro natin. Mahaba pa ang laban natin sa COVID-19, kaya dapat may sapat na pondo para tuloy-tuloy ang edukasyon ng mga bata,” sabi ni Hontiveros.

“The Magna Carta for Public School Teachers is meant to give our teachers protection gaya ng medical benefits and hazard pay,” dagdag pa nito.

Sa datos ng DepEd, kalahati ng mga nag-enroll sa basic education ay mas gusto ang modular learning.

Sabi ni Hontiveros, nangangahulugan ito na may dagdag na panganib sa mga guro na mahawaan ng virus dahil obligado silang mamahagi at tumanggap ng self- learning modules (SLMs). (Dindo Matining)

The post Mga guro nasa panganib sa modular learning first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *