Mga gov’t nurse may dagdag suweldo sa Enero dahil kay Ping

ABOT-TANAW na ang pagtaas sa suweldo na matagal nang pinapangarap ng mga government nurse matapos na ito ay talakayin ng Senado sa deliberasyon ng 2020 national budget.

mga govt nurse may dagdag suweldo sa enero dahil kay ping - Mga gov’t nurse may dagdag suweldo sa Enero dahil kay Ping
nurses 1 - Mga gov’t nurse may dagdag suweldo sa Enero dahil kay Ping

ABOT-TANAW na ang pagtaas sa suweldo na matagal nang pinapangarap ng mga government nurse matapos na ito ay talakayin ng Senado sa deliberasyon ng 2020 national budget.

Si Senador Panfilo Lacson ang nagbukas ng naturang usapin bilang bahagi ng kanyang interpelasyon sa panukalang badyet ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon.

“Ang kailangan nila P3.173 bilyon. Is that the correct figure? Para pumasok sila sa salary grade 15. Under GAB 2020, there is as described under MPBF funding requirements for staffing modification and upgrading of salaries,” ayon pa kay Lacson.

“We can introduce a special provision and source the 3 billion from the P12.469 billion under that particular item. Nagamit na raw rito ang P7 bilyon, sa DOH napunta, may naiwan P5 bilyon,” giit pa ng senador.

Sabi ni Lacson, sa tamang panahon ay ipapasok niya ang amendment sa pagkukunan ng perang gagamitin sa pagtaas ng sahod ng mga government nurse.

Hindi na umano maghihintay pa ng mataga­l ang mga nurse kapag nangyari ang kanyang mungkahi.

“So they don’t have to wait six months or ano­ther year. By January once we enact the GAA for 2020, ang salary upgrade nila is taken care of,” pahabol pa ni Lacson.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *