Mga GenSan wellness worker na dapa sa COVID tinulungan ni Sen Go

Nagpaabot ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go sa mga miyembro ng Family Impaired Massage Association (FIMA) sa Brgy. Dadiangas West, General Santos City na ang mga kabuhayan ay naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

The post Mga GenSan wellness worker na dapa sa COVID tinulungan ni Sen Go first appeared on Abante.

mga gensan wellness worker na dapa sa covid tinulungan ni sen go - Mga GenSan wellness worker na dapa sa COVID tinulungan ni Sen Go
abante bong go - Mga GenSan wellness worker na dapa sa COVID tinulungan ni Sen Go

Nagpaabot ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go sa mga miyembro ng Family Impaired Massage Association (FIMA) sa Brgy. Dadiangas West, General Santos City na ang mga kabuhayan ay naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sa isang tawag sa telepono sa may 25 benepisyaryo, inalam ni Go ang kanilang sitwasyon sa gitna ng nararanasang health crisis.

“Sana nasa mabuti kayong kalagayan,” ani Go. “Sa aking mga kapitbahay diyan sa General Santos City, magkapitbahay lang naman tayo dahil taga-Davao lang naman ako.”

Hinikayat rin ng senador ang mga taong may medical conditions na kaagad na humingi ng tulong mula sa Malasakit Center sa bansa.

“Kung kinakailangan ninyo magpa-ospital, may Malasakit Center diyan…sa GenSan. Kung kinakailangan ninyo dalhin sa Davao o Manila, ako na ang sasalo sa inyo at gagastos sa inyo,”giit ng senador.

Nabatid na ang Malasakit Center sa Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa Brgy. Lagao, General Santos City ay ang ika-22 na nag-o-opearte na ngayon sa bansa.

Ang mga Malasakit Centers ay mga one-stop shops na binubuo ng mga kinatawan mula sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corp. at Philippine Charity Sweepstakes Office kung saan maaaring magtungo ang mga pasyente at makahingi ng mabilis na tulong medikal.

Samantala, nagpaabot rin ang senador, sa pamamagitan ng kanyang mga staff ng iba pang mga tulong gaya ng food packs at libreng pagkain sa mga miyembro ng grupo, gayundin ng mga masks, face shields, vitamins at mga gamot.

Nauna nang hinikayat ng senador ang pamahalaan na pagkalooban ng tamang masks ang mga mahihirap at yaong hindi kayang bumili nito, at magpatupad ng mas malakas na mask-wearing policy sa bansa.

Hinikayat pa ng senador ang mga displaced workers na huwag magdalawang-isip na humingi ng tulong kay Pang. Rodrigo Duterte dahil tungkulin anila ng pamahalaan na tulungan sila.

The post Mga GenSan wellness worker na dapa sa COVID tinulungan ni Sen Go first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *