Mga gastos ni Erap umaalingasaw sa anomalya – COA

Mga gastos ni Erap umaalingasaw sa anomalya – COA

NAGLABAS ng ‘adverse opinion’ ang Commission on Audit (COA) sa financial position ng City Go­vernment ng Maynila sa pamumuno ni dating Ma­yor Joseph ‘Erap’ Estrada.

The post Mga gastos ni Erap umaalingasaw sa anomalya – COA appeared first on Abante News Online.

mga gastos ni erap umaalingasaw sa anomalya coa - Mga gastos ni Erap umaalingasaw sa anomalya – COA
erapa - Mga gastos ni Erap umaalingasaw sa anomalya – COA

NAGLABAS ng ‘adverse opinion’ ang Commission on Audit (COA) sa financial position ng City Go­vernment ng Maynila sa pamumuno ni dating Ma­yor Joseph ‘Erap’ Estrada.

Ang adverse opinion ang pinakamababang ra­ting na ibinibigay ng COA na ang ibig sabihin ay nagkaroon ng ‘gross misstatement’ o anomalya sa financial record.

Ayon sa 2018 annual audit report, hindi makumpirma ng COA ang katotohanan sa P11.77 bilyong cash account dahil sa iba’t ibang kadahilanan, kabilang na dito ang discrepancy sa P391.05 milyon.

May tatlong ‘expropriation account’ sa kabuuang halagang P50.55 milyon ang walang malinaw na account name. Isang unconfirmed account na nasa pangalan ni Patricia Tiongson, na binayaran ng P23.08 milyon, ang sarado na ang record sa Treasury.

Hindi rin magkatugma ang General Ledger na may balanseng P682.88 milyon at ang bank record na may laman na P291.83 milyon.

Duda rin ang COA sa payable accounts sa halagang P4.75 bilyon dahil kulang ito ng subsidiary ledger. Sa nasabing halaga, P1.2 bilyon ang hindi suportado ng mga dokumento.

Hinikayat pa ng COA ang city government at ang treasurer na rebyuhin ang kanilang mga account at gamitin ang wastong dokumentasyon sa hinaharap.
Wala namang komento ang city government sa negatibong report ng COA.

Samantala, umaabot naman sa P9.05 bilyon ang utang at bayarin ng Lungsod ng Maynila si­mula Disyembre 2018, kulang ito ng P3.69 bilyon gayong nasa P5.36 bilyon lamang ang general funds ng lungsod, ayon sa COA.

Pinuna din ng COA ang paglabag sa Local Government Code ng Manila City Hall dahil ginagastos na ng lungsod ang pera na hindi pa nito nakokolekta.

Gayundin ang paghiram ng lungsod ng pera sa development funds at intra-agency accounts na nakalaan na para sa ilang proyekto kabilang dito ang unrecorded disbursements (P345.94 mil­yon), mga hiniram ula sa unimplemented projects (P95.41 milyon), kinuhang pondo mula sa sa­vings, 20% ng development fund ng siyudad (P18.51 milyon) at net difference of intra-agency accounts (P247.15 milyon).

Sa kabuuan umano ay nasa P4.39 bilyon ang kulang na pondo ng lungsod. (Yves Briones/Tina Mendoza)

The post Mga gastos ni Erap umaalingasaw sa anomalya – COA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *