Mga frontliner bida sa ‘Araw ng mga Bayani’

Hindi lamang mga bayaning nagtanggol at nakipaglaban sa mga mananakop ng bansa ang pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong National Heroes’ Day kundi pati na rin ang mga frontliner na nakikipaglaban ngayon laban sa COVID-19 pandemic.

The post Mga frontliner bida sa ‘Araw ng mga Bayani’ first appeared on Abante.

mga frontliner bida sa araw ng mga bayani - Mga frontliner bida sa ‘Araw ng mga Bayani’
abante frontliner - Mga frontliner bida sa ‘Araw ng mga Bayani’

Hindi lamang mga bayaning nagtanggol at nakipaglaban sa mga mananakop ng bansa ang pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong National Heroes’ Day kundi pati na rin ang mga frontliner na nakikipaglaban ngayon laban sa COVID-19 pandemic.

Nakiisa si Pangulong Duterte sa lahat ng mga Pilipono sa pagdiriwang ngayong Lunes ng araw ng mga bayani.

Sa kanyang mensahe, tinawag ng Pangulo na “modern day heroes ang lahat ng Filipino frontliners na nakikibaka sa bagsik ng COVID-19 dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

“‘Today, we honor not only the valor of our forebears who fought for our mother land’s freedom, but also the heroism of those who risked their lives, fighting a different kind of enemy,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na hindi matatawaran ang katapangan at sakripisyong ipinapakita ng Filipino frontliners para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino laban sa bagsik ng COVID-19.

“Together, let us become everyday heroes as we pursue a better future for everyone,” wika pa ng Pangulo.(Aileen Taliping)

The post Mga frontliner bida sa ‘Araw ng mga Bayani’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *