Mga foreigner pasok sa GCTA Law – Guevarra

Sakop ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law sa Pilipinas ang mga dayuhan, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

The post Mga foreigner pasok sa GCTA Law – Guevarra first appeared on Abante.

mga foreigner pasok sa gcta law guevarra - Mga foreigner pasok sa GCTA Law – Guevarra
guevarra 2 - Mga foreigner pasok sa GCTA Law – Guevarra

Sakop ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law sa Pilipinas ang mga dayuhan, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

“The GCTA law will apply to all persons, including aliens, convicted by final judgment by a Philippine court with competent jurisdiction and serving sentence in Philippine correctional institutions, unless non-application of GCTA to certain persons is expressly provided for by law or by international treaties or agreements,” pahayag ni Guevarra.

Taong 2013 naipasa ang Republic Act 10592 o GCTA Law kung saan pinapayagan ang maagang paglaya ng mga convict.

Ipinunto ito ni Guevarra matapos kuwestiyunin ng pamilya ng napaslang na transgender na si Jennifer Laude ang desisyon ng Olongapo City court para sa early release ng killer nito na si US Marine Joseph Scott Pemberton dahil sa naipong GCTA credit.

Giit ng abogadong si Virginia Lacsa Suarez, legal counsel ng pamilya Laude, hindi kuwalipikado si Pemberton sa GCTA Law dahil foreigner ito at sakop ng Visiting Forces Agreement.

Taong 2014 nang mahatulan si Pemberton ng mula anim hanggang sampung taong pagkakakulong sa pagpatay kay Laude. (IS)

The post Mga foreigner pasok sa GCTA Law – Guevarra first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *