Mga fishing vessel ng China labas-masok sa WPS

NAGLABAS ng kanilang datos ang Department of National Defense sa kabuuang bilang ng namonitor nilang foreign at domestic vessel sa karagatan ng Pilipinas noong 2018 at sa ­unang bahagi ng 2019.

mga fishing vessel ng china labas masok sa wps - Mga fishing vessel ng China labas-masok sa WPS
wps 2 - Mga fishing vessel ng China labas-masok sa WPS

NAGLABAS ng kanilang datos ang Department of National Defense sa kabuuang bilang ng namonitor nilang foreign at domestic vessel sa karagatan ng Pilipinas noong 2018 at sa ­unang bahagi ng 2019.

Sa ipinadala nilang dokumento kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, lumabas na ang may pinakama­laking bilang ng vessel na kanilang namonitor sa karagatan ng Pilipinas ay mga bulk carrier at sinundan ng mga fishing vessel.

Kabuuang 68,557 foreign at 25,426 domestic vessel ang naitalang naglayag sa bansa noong 2018 habang 5,185 foreign at 2,130 domestic vessel naman nitong 2019.

Nasa 36,557 ang naitalagang bulk carrier­ na dumating sa Pilipinas habang 5,959 ang fishing vessel.

Samantala, lumabas din na ang bansang China ang may pinakamaraming sasakyang pandagat na naispatan sa West Philippine Sea at iba pang bahagi ng South China Sea noong 2018.

Kabuuang 434 na Chinese People’s Libe­ration Army (PLA) Navy vessel ang dumating­ sa bansa. Karamihan ay Chinese fishing vessel na umabot sa 322. Pinaniniwalaang bahagi ito ng Maritime Militia ng China.

Ginagamit umano ng China ang mga ­fishing vessel para tahimik na makapagsagawa ng mga surveillance, search and rescue operation pati na ang pagbibigay ng tulong sa law enforcement agency.

Sa hiwalay na dokumentong isinumite ni Defense Usec. Cardozo Luna kay Rep. Zarate, isang China Coast Guard cutter ang humarang sa tatlong cargo vessel ng Pilipinas na patungo­ sana ng Ayungin Shoal para magbigay ng supply sa mga personnel ng BRP Sierra Madre.

Sa naturang dokumento, hinarang ng China Coast Guard ship Zhongguohaijing 3305 noong Mayo 14 ang tatlong cargo vessel. (JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *