Mga fire marshal ng Bulacan nagpasiklab sa earthquake drill

Nagpamalas ng kasa­nayan at kapasidad ang grupo ng mga fire marshal na inorganisa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Bulacan kaugnay ng pagresponde sa oras ng kalamidad sa ginanap na Earthquake Drill sa harap ng Gusali ng Kapi­tolyo, sa Malolos City kamakailan.

The post Mga fire marshal ng Bulacan nagpasiklab sa earthquake drill appeared first on Abante News Online.

mga fire marshal ng bulacan nagpasiklab sa earthquake drill - Mga fire marshal ng Bulacan nagpasiklab sa earthquake drill
ABANTE marshall - Mga fire marshal ng Bulacan nagpasiklab sa earthquake drill

Nagpamalas ng kasa­nayan at kapasidad ang grupo ng mga fire marshal na inorganisa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Bulacan kaugnay ng pagresponde sa oras ng kalamidad sa ginanap na Earthquake Drill sa harap ng Gusali ng Kapi­tolyo, sa Malolos City kamakailan.

Sa ginanap na drill, isinagawa ng mga empleyado ng Ka­pitolyo at mga kli­yente nito ang life-saving duck-cover-and-hold na inayos dakong ika-9 ng umaga na may ‘magnitude-8 intensity earthquake scenario’ sa direksiyon at gabay ng mga marshal.

Binati ni Gob. Daniel R. Fernando ang grupo gayundin ang PDRRMO sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad kung saan naihahanda hindi lamang ang mga marshal kundi pati na rin ang mga empleyado ng Kapitolyo sa mga dapat gawin sa panahon ng panganib, lalo’t higit kung magkakaroon ng lindol.

Dagdag pa niya, ma­laking tulong ang nasabing grupo sa PDRRMO sa pagbabawas ng tensyon at takot kung may dumating na sakuna o panganib.

“Kapag may mga ganitong sitwasyon, mabilis na nagpa-panic ang mga tao, kadalasan ito pa ang nagiging dahilan para hindi makapag-isip ng mabuti at masaktan, lalo pang napapahamak, kaya sa tulong ng mga marshal may katuwang ang PDRRMO sa pagpapaalala na huminahon at sundin ang mga bilin sa atin kapag may emergency, in that way we can save lives,” ani Fernando.

Samantala, nagpasalamat naman ang mga fire marshal na sina­nay bilang first aider­s para sa oportu­nidad na maging ba­hagi ng ‘lifesavers group’ sa lalawigan. (Jun Borlongan)

The post Mga fire marshal ng Bulacan nagpasiklab sa earthquake drill appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *