Mga farmer sa Nueva Ecija nagpasaklolo kay Mar

HUMINGI ng tulong kay senatorial candidate Mar Roxas ang mga magsasaka ng Nueva Ecija na hinagupit ng El Niño bukod pa ang pagbagsak ng kanilang mga ani dulot ng pagbaha ng mga imported rice at iba pang agricultural products.

The post Mga farmer sa Nueva Ecija nagpasaklolo kay Mar appeared first on Abante News Online.

mga farmer sa nueva ecija nagpasaklolo kay mar - Mga farmer sa Nueva Ecija nagpasaklolo kay Mar
abante Mar - Mga farmer sa Nueva Ecija nagpasaklolo kay Mar

HUMINGI ng tulong kay senatorial candidate Mar Roxas ang mga magsasaka ng Nueva Ecija na hinagupit ng El Niño bukod pa ang pagbagsak ng kanilang mga ani dulot ng pagbaha ng mga imported rice at iba pang agricultural products.

Ayon sa mga magsasaka, bagsak na ang presyo ng palay pati na ang sibuyas na naging sanhi ng kanilang pagkalugi kaya kailangan na nilang magpatulong kay Roxas.

“Ako, tutol ako sa policy ng gobyerno na ang solusyon lagi, import kaagad. Ini-import natin ang bigas, asukal, galunggong, pati sibuyas, ini-import. Kaya hindi na tayo nagtataka na bagsak ang presyo ng mga magsasaka o mga producer natin,” sabi pa ni Roxas.

Sinabi pa ng ekonomistang si Roxas na imbes na import kaagad ang unang nakikita ng mga nasa gobyerno, dapat ay pagtulong muna sa mga magsasaka ang prayoridad dahil iyon ang tamang sistema.

“Gawin nating mas modern ang pagsasaka sa Pilipinas. Halimbawa, mga hybrid seed at post-harvest facilities. Mga thresher, harvester, dryer dapat mechanized na lahat ‘yan. Nang sa gayon, dodoble ang aanihin ng ating mga farmer, gaganda ang kanilang crop recove­ry, lalaki ang kanilang kita,” sabi pa ni Roxas na itinuturing din na ama ng call centers sa bansa.

Bagama’t ang gobyerno ay walang magagawa sa El Niño, sinabi ni Roxas na puwede namang tulungan ang mga magsasaka para mabawasan ang epekto nito at hindi na sila kailangang umutang sa 5/6.

Sa pinakahuling ulat ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng Department of Agriculture (DA) umaabot na sa P4.35 bil­yon ang pinsala ng ng El Niño na nakaapekto sa 138,859 magsasaka. (Lorraine Gamo)

The post Mga farmer sa Nueva Ecija nagpasaklolo kay Mar appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *