Mga estudyante pumalag PUP-Parañaque ikakandado

UMALMA ang libo-libong estud­yante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa planong pagpapasara sa sangay nito sa Parañaque City.

The post Mga estudyante pumalag PUP-Parañaque ikakandado appeared first on Abante News Online.

mga estudyante pumalag pup paranaque ikakandado - Mga estudyante pumalag PUP-Parañaque ikakandado
abante PUP - Mga estudyante pumalag PUP-Parañaque ikakandado

UMALMA ang libo-libong estud­yante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa planong pagpapasara sa sangay nito sa Parañaque City.

Sa lingguhang forum na Meet The Press sa National Press Club (NPC) kahapon, naniniwala si re-electionist Parañaque City Mayor Florencio Bernabe Jr, na malaking tulong sa kabataan sa lungsod ang makapagtapos nang libre at makapagtrabaho lalo na at nasa lungsod ang mga malalaking hotel at restaurant sa lungsod.

Nabatid na itinigil na ang pagtanggap ng mga aplikante sa PUP Parañaque na ang layon ay tuluyan na itong maisara.

Inaasahan sana ang mas malaki pang bilang ng enrollee ngayong taon ngunit naka-hold umano ang mga application nito.

Naunang lumagda ang pamahalaang lungsod ng Parañaque sa pamunuan ng PUP para sa unang 12-taong kontrata sa pagtatayo ng pamantasan sa siyudad at ang mga kursong bubuksan ay may kinalaman sa information technology at hotel and restaurant management noong 2003.

Dahil hindi na ito matutuloy, naniniwala si Bernabe na conflict of interest ang nangingibabaw sa planong pagsasara ng unibersidad.(Mia Billones/Juliet de Loza-Cudia)

The post Mga estudyante pumalag PUP-Parañaque ikakandado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *