Mga estudyante libre sa MRT-3, LRT-2, PNR

GOOD news sa mga estudyante dahil epektibo sa Hulyo 1, 2019 ay libre na sa ilang oras ang sakay sa MRT, LRT-1 at LRT-2. Balido ito tuwing weekdays maliban kung pista opisyal.

The post Mga estudyante libre sa MRT-3, LRT-2, PNR appeared first on Abante News Online.

mga estudyante libre sa mrt 3 lrt 2 pnr - Mga estudyante libre sa MRT-3, LRT-2, PNR
student 3 - Mga estudyante libre sa MRT-3, LRT-2, PNR

Kasama rin ang terminal fee sa airport at pantalan

GOOD news sa mga estudyante dahil epektibo sa Hulyo 1, 2019 ay libre na sa ilang oras ang sakay sa MRT, LRT-1 at LRT-2. Balido ito tuwing weekdays maliban kung pista opisyal.

Ang magandang balita ay kinumpirma kahapon ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Bagama’t libre ay may mga itinakdang oras para dito ang DoTr.

Ang libreng sakay sa LRT line 2 ay tuwing alas-4:30 hanggang alas-sais nang umaga at alas-tres nang hapon hanggang alas-4:30 nang hapon. Wala namang libreng sakay sa LRT Line 1.

Samantala ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) naman ay magbibigay ng libreng sakay tuwing alas-singko hanggang alas-6:30 nang umaga at alas-tres hanggang alas-4:30 nang hapon.

Ang Philippine National Railways (PNR) naman ay tuwing alas-singko hanggang alas-sais nang umaga at alas-tres nang hapon hanggang alas-kuwatro nang hapon.

May anti-cut-off pass din ang mga estudyante kung saan ay hindi maa­ring pababain sakaling puno na ang tren.

Libre rin ang terminal fee sa 40 Civil Aviation Authority of the Philippines na ino-operate ng mga airport sa Agosto habang sa mga pantalan na pinangangasiwaaan ng Philippine Ports Authority (PPA) ay epektibo sa Hulyo 16.

Ipapakita lamang ng mga estud­yante ang kanilang school ID pero kalaunan ay kailangan nang magrehistro para sa ID na iisyu ng DOTr. (Armida Rico/Dollly Cabresa)

The post Mga estudyante libre sa MRT-3, LRT-2, PNR appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *