Mga estudyante exempted na sa terminal fee

SIMULA kahapon, Agosto 1, e­xempted na ang mga estudyante sa pagbayad ng terminal fee sa lahat ng paliparan na pag-aari at ino-operate ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

mga estudyante exempted na sa terminal fee - Mga estudyante exempted na sa terminal fee
ABANTEter - Mga estudyante exempted na sa terminal fee

SIMULA kahapon, Agosto 1, e­xempted na ang mga estudyante sa pagbayad ng terminal fee sa lahat ng paliparan na pag-aari at ino-operate ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa isang memorandum na nilagdaan ni CAAP director general Jim Sydiongco, e­xempted na ang mga estudyante na kasalukuyang naka-enroll sa mga pre-school hanggang college kabilang na ang mga nasa trade, arts, technical, vocational at training center.

Ang mga kuwalipikadong estudyante ay kinakailangang mag-apply para sa ‘student exemption certificate’ sa Malasakit Help Desk na matatagpuan sa mga paliparan o airport sa buong bansa.

Ang mga student passenger na may flight simula sa Agosto 1, 2019 at ang nauna nang nakabili ng tiket na may bisa sa loob ng isang taon ay maaaring i-refund ang terminal fee.

Ang Malasakit Help Desk sa mga airport ang maaaring maging refund counter. (Otto Osorio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *