Mga empleyado maaambunan na sa service charge

Madaragdagan na ang kita ng mga empleyadong nagtatrabaho sa mga restaurant, hotel at iba pang uri ng negosyong nangongolekta ng service charge makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Republic Act No. 11360.

mga empleyado maaambunan na sa service charge - Mga empleyado maaambunan na sa service charge
Service Charge - Mga empleyado maaambunan na sa service charge

Madaragdagan na ang kita ng mga empleyadong nagtatrabaho sa mga restaurant, hotel at iba pang uri ng negosyong nangongolekta ng service charge makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Republic Act No. 11360.

Ang naturang batas ang nag-aatas na ibahagi sa mga empleyado ang malilikom sa service charge.

Batay sa ilalim ng bagong batas, inaatasan ang mga employer na ibahagi sa kanilang mga empleyado ang nalilikom na kita mula sa service charge maliban sa mga nasa managerial post.

Sa ganitong paraan ay madaragdagan ang take-home pay ng mga empleyado lalo na ang mga nagtatrabaho sa mga establisyimentong gabi ang operasyon.

Inaatasan din ng batas ang management ng mga hotel, restaurant at iba pang kumpanya na magkaroon ng grievance mechanism para agad maayos, kung meron man, ang hindi pagkakaintindihan ng mga manggagawa at management.

Kung sakaling walang ganitong mekanismo ang isang kumpanya, ang regional office ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang hahawak ng mga reklamo.

Inaatasan ang DOLE na magbalangkas ng implementing rules and regulations sa loob ng 60 araw para sa pagpapatupad sa nabanggit na batas.

Ang bagong batas ay pinirmahan ni Pangulong Duterte noong Agosto 7, 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *