Mga deboto bahay na lang! Poong Nazareno ililibot sa Maynila

Nanawagan si Fr. Rev Douglas Badong sa mga deboto na manatili na lamang sa mga bahay sa kapistahan ng Poon ng Itim na Nazareno sa Enero 8, 2021.

The post Mga deboto bahay na lang! Poong Nazareno ililibot sa Maynila first appeared on Abante.

mga deboto bahay na lang poong nazareno ililibot sa maynila - Mga deboto bahay na lang! Poong Nazareno ililibot sa Maynila
abante itim na nazareno - Mga deboto bahay na lang! Poong Nazareno ililibot sa Maynila

Nanawagan si Fr. Rev Douglas Badong sa mga deboto na manatili na lamang sa mga bahay sa kapistahan ng Poon ng Itim na Nazareno sa Enero 8, 2021.

Ayon kay Badong, ang Poon ng Nazareno ay iikot sa mga simbahan .

Kahapon ay dinala umano sa Paco Church ang replika ng Itim na Nazareno.

“Dadalhin na sa inyong lugar ang Nazareno kaya huwag na ninyo siyang puntahan, maari din naman makinig ng misa online,”ayon kay Badong.

Ito umano ang kauna-unahang kakaibang pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno at ginagawa umano lahat ng Simbahan pare mapigilan ang pagkalat at pagkakahawaan ng COVID19.

Ipinagbabawal rin ang pagpunta sa simbahan ng mga edad 20 pababa at 60 pataas, gayundin ang mga prusisyon at parada ng mga santo ay mahigpit na ipinagbabawal. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Mga deboto bahay na lang! Poong Nazareno ililibot sa Maynila first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *