Mga customer nganga sa P2.3B refund: Meralco-MVP inuna pagsubi sa kita

Magpapamudmod ang Manila Electric Company (Meralco) ng P5.3 bilyong tubo sa mga may ari nito habang tahimik naman ito tungkol sa pagrefund sa natitira pang P2.3 bilyon mula sa P30.3 bilyong sobrang kinubra nito sa consumers noon pang 2003.

mga customer nganga sa p2 3b refund meralco mvp inuna pagsubi sa kita - Mga customer nganga sa P2.3B refund: Meralco-MVP inuna pagsubi sa kita
Meralco - Mga customer nganga sa P2.3B refund: Meralco-MVP inuna pagsubi sa kita

Magpapamudmod ang Manila Electric Company (Meralco) ng P5.3 bilyong tubo sa mga may ari nito habang tahimik naman ito tungkol sa pagrefund sa natitira pang P2.3 bilyon mula sa P30.3 bilyong sobrang kinubra nito sa consumers noon pang 2003.

Sa disclosure sa Philippine Stock Exchange, sinabi ng Meralco na inaprubahan ng Board of Directors nito ang deklarasyon ng cash dividend sa mga may-ari ng kompanya kung saan mamamahagi ito ng P4.697 sa bawat share na hawak nila. Sa 1.13 bilyong shares, aabot sa P5.3 bilyon ang tubong makukuha ng mga may-ari.

Ayon sa Meralco, ang perang ipamumudmod ay galing sa tubo na nakasubi dito as of June 30, 2020.

Sabi ng Meralco, nabawasan ang benta nito ng 14% nung unang anim na buwan ng taong ito at umabot lamang sa P142.3 bilyon kung ikukumpara sa parehong panahon nung nakaraang taon na ang gross revenues nito ay umabot sa P165 bilyon. Dahil maraming mga planta at malls ang nagsara nung nag lockdown sa malaking bahagi ng Luzon ay bumaba ang kuryenteng nabenta nito kung ikukumpara sa nakaraang taon.

Gayunpaman, tumubo pa rin ang Meralco na nag-ulat ng consolidated net income na P6.8 bilyon mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon kahit pa mas mababa ito kaysa sa P12 bilyon consolidated net income na iniulat nito nung first half ng 2019.

Humina man ang kita ng Meralco nung unang kalahati ng taon, naniniwala naman itong titiba ito sa darating na mga buwan para magtala ng P21 bilyon consolidated core net income (CCNI) ngayong taon.

“We are moving with caution but remain positive that a recovery is in the offing. While it is difficult to give a firm indication of 2020 performance, based on our outlook for the rest of the year, we expect our full year 2020 CCNI to be in the area of P21 billion,” sabi ni Meralco chair Manny V. Pangilinan. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *