Mga consumer pinagtitipid ng Manila Water, Maynilad

PINAGTITIPID ng Maynilad at Manil­a Water ang publiko sa paggamit ng tubig kasunod ng limitadong suplay na inilalabas ng National Water Resource­s Board (NWRB).

mga consumer pinagtitipid ng manila water maynilad - Mga consumer pinagtitipid ng Manila Water, Maynilad
abante maynilad manila water - Mga consumer pinagtitipid ng Manila Water, Maynilad

PINAGTITIPID ng Maynilad at Manil­a Water ang publiko sa paggamit ng tubig kasunod ng limitadong suplay na inilalabas ng National Water Resource­s Board (NWRB).

Nabatid na nanatiling 40 cubic meter per second (m3/s) ang ilalabas hanggang sa Nobyembre kumpara sa 46 m3/s na ordinaryong inilalabas dahil na rin na ang water level sa Angat dam ay nanatiling mababa sa normal high na 212 meters.

Nalaman na target na maabot ang 212-meter normal high hanggang sa huling buwan ng taon.

“Humihingi po kami ng tulong sa ating mga customer na gawin po natin ‘yung responsible use of water para mapagtulung-tulungan nating itawid ito hanggang summer months next year,” ayon kay Engr. Ronaldo Padua, Maynilad Water Supply Ope­rations head.

“Pilit po nating pinagtutulungan i-preserve ‘yung na-store na water sa Angat dam by means of reducing po ‘yung tubig na nire-release from Anga­t at ‘yung dini-distribute po natin sa ating mga customer,” dagdag pa ni Padua.
Nanawagan ang dalawang water concessionaire sa publiko na gumawa ng paraan para makatipid sa paggamit ng tubig.

Nabatid na nag abiso na rin ang Manila Water na magpapatupad ng rotational service interruption.

Sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. na nasa minimum operating level na 180 meter ang Angat dam na nasa normal na lebel pa naman kaya lamang ay dapat na i-manage at mapaghandaan ang mga pangangailangan sa susunod na buwan para hindi na umano maulit ang nangyari nitong taon na nagkaroon ng krisis sa tubig. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *