Mga congressman patas sa pondo -Velasco

Pursigido si House Speaker Lord Allan Jay Velasco na mabigyan ng patas na alokasyon ng pondo ang mga kongresista para sa kanilang mga proyekto sa distrito.

The post Mga congressman patas sa pondo -Velasco first appeared on Abante.

mga congressman patas sa pondo velasco - Mga congressman patas sa pondo -Velasco
Velasco - Mga congressman patas sa pondo -Velasco

Pursigido si House Speaker Lord Allan Jay Velasco na mabigyan ng patas na alokasyon ng pondo ang mga kongresista para sa kanilang mga proyekto sa distrito.

Ipinangako ito ng bagong house leader matapos na mapagtibay ng kapulungan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang proposed P4.5-trillion national budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Velasco, ang hindi patas na distribusyon o alokasyon ng pondo para sa proyekto ng mga kongresista ang isa sa naging problema ng nagdaang liderato kaya sisikapin niya umanong baguhin ito.

Kung hindi man umano niya ito magagawa ngayong taon ay mayroon pa naman susunod na taon.

“With the unequal distribution pinag-aaralan namin kung di pa namin magawa ngayon, meron pa naman next year pero as much as possible we do everything so that we can to fairly distribute ,” ayon kay Velasco.

Unang nang kinuwestiyon noon ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ang inilaang P11.8 bilyon halaga ng proyekto para sa distrito ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte at P8 bilyon naman kay Taguig Rep. Alan Peter Cayetano habang kakapiranggot lamang umano ang pondo inilaan sa kanyang distrito.

Ang hindi patas na alokasyon na pondo ang isa sa pinaniniwalang dahilan ng pagkadismya ng marami sa liderato ni Cayetano na nauwi sa pagkasipa nito.(Eralyn Prado)

The post Mga congressman patas sa pondo -Velasco first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *