Mga Chinese resto ipasara — Ping

NANINIWALA si Senador ­Panfilo ‘Ping’ Lacson na walang puwang sa bansa ang mga discriminatory restaurants kaya’t marapat lamang na ipasara ang mga ito.

The post Mga Chinese resto ipasara — Ping appeared first on Abante News Online.

mga chinese resto ipasara ping - Mga Chinese resto ipasara — Ping
2019 Abante Ping Lacson - Mga Chinese resto ipasara — Ping

NANINIWALA si Senador ­Panfilo ‘Ping’ Lacson na walang puwang sa bansa ang mga discriminatory restaurants kaya’t marapat lamang na ipasara ang mga ito.

“Bawal pa ang Pilipino puma­sok sa restaurant. Yan ang nakakainit ng loob. Para tayong na­ging second class citizen sa sarili nating bayan. It’s bad enough na may discrimination,” saad ni Lacson.

“Narito tayo sa sariling bayan natin, hindi ka pa papapasukin para kumain sa isang Chinese restaurant? At ikaw ay Pilipino? Yan dapat pasara agad yan,” dagdag ng senador.

Matatandaan na nireklamo ng mga netizen ang isang food park sa Las Piñas dahil hindi umano pinapapasok ang mga customer ng Pinoy.

“Of course may due process yan pero ang end state dapat makita natin sarhan. Kasi sobra na yan. Subukan mo nga, punta ka sa China magtayo ka ng maliit na tindahan walang Chinese characters at puro Pilipino na di ka tatanggap ng Chinese. Baka kabubukas mo pa lang dine-deport ka na,” salaysay pa ng mambabatas.

Dapat din aniyang busisiin ang pagsunod ng nga establisimyento na ito sa mga batas ng bansa.

“Ang tanong pa roon nagbabayad ba sila ng VAT, nagre-remit ba sila sa gobyerno? Kailangan bantayang mabuti ang mga business establishment na ganyan, ang indication para bang nasa China sila at wala sila sa PH,” diin ng senador.

“Dalawa, LGU at ang DTI, should really tingnan nila mabuti ang ganitong klaseng business investment para sa ganoon huwag naman tayo apihin sa sarili nilang bayan,” dagdag pa nito. (Dang Samson-Garcia)

The post Mga Chinese resto ipasara — Ping appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *