Mga Chinese POGO higpitan din!

HINDI umano pupuwedeng matigas lang si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) pero maluwag naman para sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa.

mga chinese pogo higpitan din - Mga Chinese POGO higpitan din!
chinese 11 - Mga Chinese POGO higpitan din!

HINDI umano pupuwedeng matigas lang si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) pero maluwag naman para sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa.

Ito ang tahasang sinabi ni Senadora Risa Hontiveros matapos ipag-utos ni Duterte noong Biyernes nang gabi na ipasara ang lotto at iba pang sugal sa bansa na pinapatakbo ng PCSO.

“Dapat linawin ni Presidente Duterte ang kanyang direktiba lalo na sa POGO. Hindi naman puwedeng matigas sa PCSO pero malambot sa POGO,” giit ni Hontiveros na nagsabing higpitan din sana ang operasyon ng mga offshore gaming na karamihan ay mga Chinese.

Ayon sa senadora, napakaseryoso diumano ng alegasyon ni Duterte kaya dapat buong linaw niya ito ipaliwanag sa publiko na umaasa sa tulong ng PCSO.

“Napakaseryoso ng alegasyon na binitawan ni Presidente Duterte so dapat buong linaw niyang ipaliwanag lalo na’t mara­ming mamamayan ang umaasa sa PCSO,” sabi ni Hontiveros.

“Sino-sino ang sangkot, anong klase, anong korapsyon at anong sistema. Gusto kong malaman kung seryosong naikonsidera ang mga mawawalan ng trabaho, ang pondo para sa medical assistance,” dagdag pa nito.

“Kung maalala natin ‘yung SONA binida na naman nila ang kanilang anti-corruption track record, bahagi rin dapat ito ng pagpapaliwanag ng presidente at dapat may imbestigasyon,” ayon pa kay Hontiveros.

Umaasa naman ang senadora na hindi ‘pag-diversionary tactic’ ni Duterte ang pagpapasa ng PCSO operation sa ginawa nitong pag-veto sa Security of Tenure (SOT) bill.

“Sana ‘di ito diversionary tactic sa pag-veto sa SOT. susuportahan ko po kung may resolusyon na imbestigahan ang sinasa­bing korapsyon,” ayon pa kay Hontiveros. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *