Mga Chinese bantayan sa ASF

MAARING lumala pa ang problema ng African Swine Fever sa Pilipinas dahil sa pagdagsa ng mga Chinese na turista o manggagawa at pag-uwi ng maraming Overseas Filipino Worker sa darating na pasko dahil sa mahinang pagpapatupad ng mga patakaran sa paglaban nito.

mga chinese bantayan sa asf - Mga Chinese bantayan sa ASF
ABANTE African Swine Fever - Mga Chinese bantayan sa ASF

MAARING lumala pa ang problema ng African Swine Fever sa Pilipinas dahil sa pagdagsa ng mga Chinese na turista o manggagawa at pag-uwi ng maraming Overseas Filipino Worker sa darating na pasko dahil sa mahinang pagpapatupad ng mga patakaran sa paglaban nito.

Ito ay ayon sa Foreign Agricultural Service (FAS) ng United States Department of Agriculture (USDA).

Mabilis makahawa ang ASF sa mga baboy at tiyak na kamatayan ang alinmang alaga na tatamaan nito. Hindi man ito nakakahawa sa tao, mabilis nitong masasalanta ang kabuhayan ng mga nag-aalaga ng baboy.

“Enforcement at the border remains a problem,” sabi ng USDA FAS.

“While the Philippines welcomes record numbers of Chinese visitors and the holiday season will soon bring back a high number of Filipino workers, commercial shipments of pork from ASF-affected countries are still finding their way through the Philippines porous borders despite their prohibition,” dagdag nito.

Hirap din ipatupad sa bansa ang pagbabawal ng swill feeding o pagpapakain ng kanin baboy sa mga alaga na isa sa mga malaking dahilan kung bakit kumalat ito sa ibang mga bansa.

“Countries in the region experiencing ASF have seen swill feeding as a major vector of transmission and the practice would therefore be an area of concern for the Philippines as long as the practice cannot be effectively prohibited and enforced,” sabi pa ng USDA FAS.

Ayon sa October 17 update tungkol sa ASF ng Food and Agriculture Organization, 20 na ang kumpirmadong outbreak sa bansa at 30,000 na ang pinatay na baboy dahil dito.

Noon pang Hulyo 25 ang unang kumpirmadong ASF outbreak sa Rizal at Bulacan at kumalat na ito sa Quezon City at Pampanga. May mga ulat na rin na may ASF na sa lalawigan ng Cavite ngunit hindi pa ito kinukumpirmang ASF kahit na nagkamatayan na ang lahat ng mga alagang baboy sa isang babuyan doon. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *