Mga Castelo wagi sa QC

Patuloy ang pagtiwala ng mga taga-Quezon City sa mga Castelo matapos silang magtagumpay sa nakaraang halalan.

The post Mga Castelo wagi sa QC appeared first on Abante News Online.

mga castelo wagi sa qc - Mga Castelo wagi sa QC
Precious Hipolito - Mga Castelo wagi sa QC

Patuloy ang pagtiwala ng mga taga-Quezon City sa mga Castelo matapos silang magtagumpay sa nakaraang halalan.

Sa katunayan, binitibit pa ng taumbayan si dating councilor Precious Hipolito Castelo sa House of Representatives matapos niyang tambakan si dating congresswoman Annie Susano ng mahigit 60,000 na boto sa parehong distrito.

“This only shows that our people are longing for the continuity of programs that we have started for them. Just like before, we will pursue advocacies on housing, livelihood, education and other pro-poor prog­rams we have been delivering for years,” ani Precious.

Si Precious ay asawa ni Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo na magtatapos ang termino sa House sa susunod na buwan. Tulad ni Precious, na­ging makulay din ang pagwagi ni Winnie bilang konsehal matapos siyang magtala ng pinakamataas na boto sa buong syudad.

Siniguro ng No. 1 councilor na makiki­pagtulungan siya kay Precious sa pagba­langkas ng mga panu­kalang batas na tutugon sa mga panga­ngailangan ng mga mahihirap.

“I am not new to this position because it is where I came from. The good thing about this is that I am pretty much closer again to the very baranggays and communities whom I have partnered with before to accomplish so many projects with direct impact on the lives of struggling families,” ani Winnie.

Samantala, kasama sa mga nagtagupay sina karl at Bobby Castelo na kapwa pumangalawa sa resulta ng halalan sa pagkakonsehal sa district 5 at 6.

The post Mga Castelo wagi sa QC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *