Mga campaign material pinari-recycle sa mga kandidato

HINIMOK kahapon ng environment at health watchdog na Eco­Waste Coalition ang mga kandidato na linisin ang kanilang mga kalat mula sa ginamit nilang mga campaign material sa eleksyon noong Lunes.

The post Mga campaign material pinari-recycle sa mga kandidato appeared first on Abante News Online.

mga campaign material pinari recycle sa mga kandidato - Mga campaign material pinari-recycle sa mga kandidato
camapgin - Mga campaign material pinari-recycle sa mga kandidato

HINIMOK kahapon ng environment at health watchdog na Eco­Waste Coalition ang mga kandidato na linisin ang kanilang mga kalat mula sa ginamit nilang mga campaign material sa eleksyon noong Lunes.

Ayon sa grupo, maaari naman nilang i-recycle ang nasabing mga materyal para mu­ling magamit at mapakinabangan sa halip na itapon lang.

Tinukoy ng Eco­Waste ang mga kagamitang tulad ng mga bag, school supply at iba pa na pwedeng magawa mula sa mga campaign material.

Pinayo rin ng samahan sa mga kandidato na huwag sunugin ang mga ginamit na campaign material dahil magdudulot lang ito ng polusyon.

Anila, sa katunayan ay nakagawa na sila ng mga bag mula sa mga nahakot na campaign poster nina Makati Ma­yor Abby Binay, Quezon City Vice Mayor Gian Sotto at Sen. JV Ejercito.

Sa pagtaya ng Eco­Waste, nasa 30 kilo na plastic scrap ang nalikom nila at nai-recycle para gawing bag.

Ang mga papel na campaign material naman ay maaaring ga­wing folder, memo pad, envelope, at iba pa. (Mia Billones)

The post Mga campaign material pinari-recycle sa mga kandidato appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *