Mga Bulakenyo aprub sa itatayong airport ng SMC

WALA nang makakapigil sa pagsisimula ng kons­truksiyon ng P735 bilyong international airport project na nakuha ng San Miguel Corp. (SMC) para sa lalawigan ng Bulacan na layong maibsan ang nararanasang trapiko sa Metro Manila.

mga bulakenyo aprub sa itatayong airport ng smc - Mga Bulakenyo aprub sa itatayong airport ng SMC
SMC - Mga Bulakenyo aprub sa itatayong airport ng SMC

WALA nang makakapigil sa pagsisimula ng kons­truksiyon ng P735 bilyong international airport project na nakuha ng San Miguel Corp. (SMC) para sa lalawigan ng Bulacan na layong maibsan ang nararanasang trapiko sa Metro Manila.

Nagbigay na ng go signal ang Department of Transportation (DOT) para sa SMC upang masi­mulan ang proyekto at ayon sa presidente nitong si business tycoon Ramon S. Ang, inaasahan na sa Disyembre 2019 ay maisasagawa na ang groundbreaking ceremony.

Inalam ng Abante ang reaksyon ng mga residente sa Bulakan, Bulacan na maaapektuhan ng nasabing proyekto.

Karamihan sa mga nakausap na residente ay pabor sa nasabing proyekto gayunman, humihi­ling sila ng maayos na paglilipatan o relokasyon.
Ayon kay Renato, “Kung sa akin lang, hindi naman kami tumututol don sa gagawing proyekto dito sa Bulacan. Sumusuporta kami. Basta kami ‘wag lang nilang pabayaan.”

Ganito rin ang sentimyento ni Wilmar, aniya “Kung sa akin naman ano, para lang sa’kin, dahil kami apektado sa tubigan doon sa dagat. Sa akin pabor… Mabuti, gobyerno naman ang airport e. Kailangan natin yun.”

Pero para kay Nerissa, “May nagsasabi na babahain kami, natatakot kami kasi ayan lang ‘yung bahay namin sa looban. May nagsasabi meron namang gaganda, kumbaga magiging trabaho.”

Umaasa naman si Cecil, negosyante sa nasabing lugar, na magiging planado ang gagawing proyekto at mabibigyan ng atensyon ang pangambang pagbaha sa lokasyon ng airport na malapit sa dagat na pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga residente.

Hindi sigurado sa relokasyon
at hanapbuhay

Kapwa iisa ang sagot ng ilang nakapanayam ng team ng Abante, anila wala pang malinaw na lugar na paglilipatan sa kanila sakaling magsimula na nga ang konstruksyon ng paliparan.

Sabi ni Renato, “‘Yun lang ang problema sa amin ngayon, hindi namin alam kung saan dadalhin talaga pero may mga pangako naman sa amin ang aming kapitan na kami’y hindi naman… gusto niya diyan lang din kami sa Taliptip. Kasi gawa nu’ng kami ay may panghanapbuhay.”

Malinaw na plano para sa hanapbuhay ang ilan pa sa tanong ng ilan sa aming nakapanayam.

Ayon sa isa sa residente, “Dapat mapaghandaan din ang hanapbuhay… pero mas maganda talaga na malapit kami sa hanapbuhay namin sa tubig.”
Sa huli, giniit ng mga residente na sumusuporta sila sa proyektong ito ngunit panawagan nila ay huwag silang kakalimutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *