Mga bomba nahukay sa Malabon

PITONG piraso ng mortar ang nahukay ng construction worker na si Philip Atag, 32, nakatira sa Yakal St., Brgy. Panghulo, Malabon kahapon ng alas-10:00 nang umaga.

The post Mga bomba nahukay sa Malabon appeared first on Abante News Online.

mga bomba nahukay sa malabon - Mga bomba nahukay sa Malabon
ABANTE bomb - Mga bomba nahukay sa Malabon

By Orlan Linde

PITONG piraso ng mortar ang nahukay ng construction worker na si Philip Atag, 32, nakatira sa Yakal St., Brgy. Panghulo, Malabon kahapon ng alas-10:00 nang umaga.

May tinamaang matigas na bakal ang piko na gamit ng obrero mula sa hinuhukay niyang lupa, kaya naman pinala niya ito at tumambad ang isang 81 mm na mortar.

Natakot si Atag na baka sumabog ito kaya itinigil ang paghuhukay at inireport nila ito sa Police Community Precinct 1 ng Malabon Police.
“Buti po hindi sumabog ng tamaan ko ng piko kung nagkataon­ lasug-lasog ang katawan ko,” ani Atag.

Nagresponde sa lugar ang mga tauhan Special Weapon and Tactics (SWAT) at ang Exposive Unit para suriin ang mga bomba.

May naamoy pa ang mga K9 kaya muling naghukay ang mga laborer sa lugar kung saan nakita ang mga bomba at nakakuha pa sila ng anim na pirasong 60 mm na mortar na ginamit noong World War II at ibinaon sa nasabing lugar.

The post Mga bomba nahukay sa Malabon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *