Mga black propaganda kay Duterte ‘di magtatagumpay — Palasyo

MALABONG magtagumpay ang ano mang pagtatangka para ibagsak si Pangulong Rodrigo Duterte.
The post Mga black propaganda kay Duterte ‘di magtatagumpay — Palasyo appeared first on Abante News Online.


MALABONG magtagumpay ang ano mang pagtatangka para ibagsak si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap ng pagsisikap ng mga anti-Duterte forces na sirain ang Duterte administration sa pamamagitan ng mga pinapalutang na isyu.
Ayon kay Panelo, unang araw pa lang ng pag-upo ng Pangulo ay nagkaisa na ang mga kritiko na siraan ito.
Pero hindi aniya nagtagumpay ang mga kontra kay Pangulong Duterte bagkus ay lalo pang dumami ang sumusuporta sa kanya, at palaging mataas ang survey rating nito.
“Lahat ng klaseng paninira,black propaganda laban kay Pangulong Duterte ay hindi naman pinaniniwalaan ng taongbayan,” ani Panelo.
Dahil dito aniya ay hindi pa rin tumitigil ang mga kalaban ni Pangulong Duterte, pero nakatitiyak ang Palasyo na lahat ng mga may masamang balak ay hindi nagtatagumpay.
“Any propaganda that is adversed against the President and his family is doomed to fail like others,” dagdag pa ni Panelo.
Batay sa obserbasyon ng ilang opisyal ng Palasyo, tila may pagkakaisa ang mga puwersang ayaw sa Pangulo dahil sa magkakasunod na mga isyung inilutang gaya ng isyu sa kayamanan ng pamilya Duterte, West Philippine Sea at ang video ng isang ‘Bikoy’ na nagsasangkot sa Pangulo at mga anak nito sa iligal na droga.(Aileen Taliping)
The post Mga black propaganda kay Duterte ‘di magtatagumpay — Palasyo appeared first on Abante News Online.