Mga bayaning Pinoy tampok sa computer game

Tatawaging ‘Bayani’ ang kauna-unahang 2D computer fighting game na gawang Pinoy at magpapakita sa karakter ng mga bayani at mga makasaysayang lugar sa bansa.

The post Mga bayaning Pinoy tampok sa computer game appeared first on Abante News Online.

mga bayaning pinoy tampok sa computer game - Mga bayaning Pinoy tampok sa computer game
bayani 2 - Mga bayaning Pinoy tampok sa computer game

Tatawaging ‘Bayani’ ang kauna-unahang 2D computer fighting game na gawang Pinoy at magpapakita sa karakter ng mga bayani at mga makasaysayang lugar sa bansa.

Hinango ang mga karakter sa mga kilalang matatapang na personalidad na humubog sa mayamang kasaysayan ng Pilipinas tulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Heneral Antonio Luna, Gregoria de Jesus, Emilio Aguinaldo, Tandang Sora, Apolinario Mabini at maging si Ferdinand Magellan na nakatuklas sa Pilipinas.

At dahil mga bayani ang naging inspirasyon sa kauna-unahang 2D computer game, ginawang ma­kabayan ang tema ng fighting game para maimulat ang kamalayan ng kabataan sa kabayanihan ng mga karakter,

Madaling maikakabit ng mga manlalaro ang mga karakter tulad ni Joe na ibinase kay Rizal; Dre kay Bonifacio; Oria kay de Jesus na asawa ni Bonifacio; si Tonio kay Luna; si Rio ay halaw kay Mabini; Leon kay Aguinaldo; si Lolang Tsora kay Tandang Sora; si Fernando kay Magellan.

Ayon kay Ben Joseph Banta, chief executive officer ng Ranida Games, layon nito na maitanim sa isipan at hindi malimutan ng kabataan ang kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga impormasyong nakapaloob sa fighting game.

Inaasahang magiging paborito rin itong computer game ng kabataan dahil mayroon ding mga super power o espesyal na kapangyarihan ang mga karakter sa Bayani.

Tulad na lang ni Joe na isang fencer at mga libro ang special power; lakas ng katawan naman ang taglay na kapangyarihan ni Tonio samantalang si Leon ay may kamay na bakal na nagpapalit sa baril o espada.

Tiyak din aniyang katutuwaan ang super power ni Lola Tsora na mahika.
Samantala, gagamitin namang fighting arena ang mga makasaysayang lugar sa bansa tulad ng Luneta, Vigan at Aguinaldo Shrine. (Mia Billones)

The post Mga bayaning Pinoy tampok sa computer game appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *