Mga bata ni Eric Yap sinibak ni Pulong

WINALIS ni Presidential son at Deputy Speaker for Political Affairs Paolo ‘Pulong’ Duterte ang mga tauhan nitong inirekomenda ni ACT CIS Party-list Rep Eric Yap.

The post Mga bata ni Eric Yap sinibak ni Pulong first appeared on Abante.

mga bata ni eric yap sinibak ni pulong - Mga bata ni Eric Yap sinibak ni Pulong
abante pulong - Mga bata ni Eric Yap sinibak ni Pulong

WINALIS ni Presidential son at Deputy Speaker for Political Affairs Paolo ‘Pulong’ Duterte ang mga tauhan nitong inirekomenda ni ACT CIS Party-list Rep Eric Yap.

Ang mga tauhan ni Pulong ay napag-alamang mga bata ni House committee on Appropriations chair Yap.

Napag-alamang maraming sablay ang mga tauhang inirekomenda ni Yap kay Pulong dahilan para sibakin ang mga ito.

Taliwas ito sa pahayag ni Yap na pinagbitiw niya sa puwesto ang chief of staff ni Duterte na si Atty. Sherwin Prose Castañeda kaugnay sa ulat na kapalpakan at mismanagement sa pagpapatakbo sa opisina ng Davao City congressman.

Paliwanag ni Yap, siya ang nagrekomenda kay Castañeda sa presidential son kaya’t tama lamang aniya ang siya ang humingi ng resignation nito dahil sa mga reklamong tinanggap mula sa opisina ni Cong. Duterte.

Maliban kay Castañeda ay sinibak din sa puwesto ang anim pa nitong tauhan epektibo nitong Agosto 15.(JCC)

The post Mga bata ni Eric Yap sinibak ni Pulong first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *