Mga bata ni Digong pasok sa Senado

WALONG kandidato sa pagka-senador na personal na inendorso ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte ang napipintong manalo sa katatapos na May 13 midterm elections.

The post Mga bata ni Digong pasok sa Senado appeared first on Abante News Online.

mga bata ni digong pasok sa senado - Mga bata ni Digong pasok sa Senado
ABANTE senado labo - Mga bata ni Digong pasok sa Senado

by Aileen Taliping/Prince Golez

WALONG kandidato sa pagka-senador na personal na inendorso ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte ang napipintong manalo sa katatapos na May 13 midterm elections.

Kabilang dito ang tatlong bata ni Pangulong Duterte na sina dating Special Assistant to the President Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa at dating presidential political adviser Atty. Francis Tolentino.

Si Go ay pangatlo sa bilangan ng boto as of 4:50pm nitong Martes, habang si Dela Rosa ay matatag sa 5th spot at pangsiyam naman si Tolentino.

Pasok din sa Magic 12 ang iba pang inendorso ng Pangulo na sina Senador Cynthia Villar, Taguig Rep. Pia Cayetano, Senador Sonny Angara, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.

Nagpasalamat naman si Go sa lahat ng mga sumuporta sa kanya, lalo na kay Pa­ngulong Duterte. Hindi rin umano sya makapaniwala na magiging senador na siya.

“Hindi matutumbasan ng anumang salita ang pasasalamat ko sa inyong tiwala sa isang ordinaryong probinsyanong katulad ko. Tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte, ako ay isang simpleng tao lamang na nangarap na makapagserbisyo ng tapat at lubos sa inyo.

Dalawampu’t isang taon akong naging isang trabahante. Isang assistant na walang hinangad na kapalit pero nangarap ng mabuting kinabukasan para sa ting mga anak. Hindi ko inakala na ang pagtatrabaho kong ito ay magdadala sa akin sa Senado,” saad ni Go.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw na malakas ang epekto ng ‘Duterte magic’ sa nakaraang halalan.

Matatandaan na sa mga pangangampanya ni Pangulong Duterte, nanawagan ito sa taumbayan na suportahan ang kanyang mga kandidato upang maipagpatuloy ang mga programa at proyektong pakikinaba­ngan ng mamamayan.

Sinabi pa ni Duterte na kung ayaw ng mga botante sa kanyang mga ginagawa, makabubu­ting iboto na lamang nila ang mga kandidato ng Otso Diretso. Wala ni isa mang kandidato ng oposisyon ang nakapasok sa top 12.

“The overwhelming majority of the electorate have responded to the call of the President to support those whom he said would help pass the laws supportive of his goal to uplift the masses of our people and give them comfortable lives they richly deserve,” saad ni Panelo.

The post Mga bata ni Digong pasok sa Senado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *