Mga barangay chairman sa Parañaque kinastigo; 30 Chinese resto ipinasara

MAHIGIT 30 restaurant at ibang negosyo ang ipinasara ng Lokal na Pamahalaan ng Parañaque City makaraang mapatunayang nag-o-operate nang walang kaukulang permit at working visa ang mga empleyado nito.

The post Mga barangay chairman sa Parañaque kinastigo; 30 Chinese resto ipinasara appeared first on Abante News Online.

mga barangay chairman sa paranaque kinastigo 30 chinese resto ipinasara - Mga barangay chairman sa Parañaque kinastigo; 30 Chinese resto ipinasara
ABANTE closed - Mga barangay chairman sa Parañaque kinastigo; 30 Chinese resto ipinasara

MAHIGIT 30 restaurant at ibang negosyo ang ipinasara ng Lokal na Pamahalaan ng Parañaque City makaraang mapatunayang nag-o-operate nang walang kaukulang permit at working visa ang mga empleyado nito.

Sa nakalipas na limang araw na operasyon, ikinandado ang mga restaurant na nakatayo sa Barangay Baclaran, Moonwalk at Tambo, kung saan nagtatrabaho ang mga Chinese national sa Philippine Offshore Gaming Operators(Pogo) sa Pagcor Entertainment City, Coastal Road.

Dahil dito, inimbitahan sa city hall ni Mayor Edwin Olivarez ang tatlong kapitan ng nasabing barangay noong Lunes para magpaliwanag kung bakit nagsulputan sa kani-kanilang nasasakupan ang mga Chinese-only restaurant nang walang mga kaukulang permit.

“Dapat magpaliwanag itong tatlong barangay chairman hindi lang sa amin kundi pati nasa sambayanan kung bakit nakapagpatayo ng mga negosyo ang mga dayuhan ng walang binabayarang buwis sa barangay at mga walang working permit ang mga tauhan nila. Malamang may anomalya dito,” ani Olivarez.

Ayon naman kay Melanie Soriano-Malaya, hepe ng Business Permit and Licensing Office, hindi nakipag-coordinate ang tatlong barangay chairman sa kanila kung ano ang mga kailangan bago buksan ang isang negosyo sa kanilang nasasakupan.”

“Dahil dito, gumawa si Mayor Olivarez ng kaukulang aksyon, at agad ipinasara ang mga 33 establisimyento dahil ang mga ito walang naiiambag na buwis sapamahalaang lungsod simula pa noong isang taon,” sabi ni Malaya
Napag-alaman din ng mga opisyal ng Parañaque na karamihan sa mga Chinese-owned restaurant ay gumagamit ng mga Filipino dummies at ang iba rito ay protektado umano ng mga barangay official sa mga lugar na kanilang kinatatayuan.

The post Mga barangay chairman sa Parañaque kinastigo; 30 Chinese resto ipinasara appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *