Mga bank account, sasakyan kinahon sa Baguio scam

NAGLABAS ng freeze order ang Court of Appeals (CA) laban sa ari-arian ng Satarah Wellness Marketing at 25 pang personalidad na konektado dito dahil sa umano’y money laundering.

The post Mga bank account, sasakyan kinahon sa Baguio scam appeared first on Abante News Online.

mga bank account sasakyan kinahon sa baguio scam - Mga bank account, sasakyan kinahon sa Baguio scam
satarah - Mga bank account, sasakyan kinahon sa Baguio scam

NAGLABAS ng freeze order ang Court of Appeals (CA) laban sa ari-arian ng Satarah Wellness Marketing at 25 pang personalidad na konektado dito dahil sa umano’y money laundering.

Ayon sa kautusang pinalabas nitong Hunyo 20, 2019 ni Associate Justice Eduardo B. Peralta, Jr. at kinatigan nina Associate Justice Ramon R. Garcia at Gabriel T. Robeniol, inisyu ang freeze order sa bank account, investment, insurance policies at mga ari-arian ng Baguio-based Satarah Wellness Marketing at 31 pang mga indibiduwal at negosyo.

“In as much as it was reflected from available data on file of the verified Ex Parte Petition for Issuance of a Freeze Order that there is probable cause that the series of deposits, withdrawals, or investments, including related accounts of the foregoing key personalities, corporations or entities, and pieces of property, are apparently related to an unlawful activity or a money laundering offense under Section 2 of Republic Act No. 10365, the Ex-Parte Application of a Freeze Order from the Republic of the Philippines, represented by the AMLC, is hereby granted,” ayon sa nilalaman ng kautusan.

Tinukoy sa order ang mga bangko at account number na pina-freeze, pati na ang mga insurance policies, anim na SUV, dalawang pick-up, isang van at sedan.

Bukod sa Satarh Wellness, tinukoy din sa order ang ari-arian ng Satarah Trading; Shevaughn Foundation Philippines, Inc.; Shevaun Restaurant; Shevaun Bakery; Shevaun Bakery and Restaurant at mga personalidad na sina Romyllie Batolne Lau, Lau Romyllie Batolne, Ruben Gonzales Dulay, Jr., Lau Wing Pan Henrich Tsang at iba pa.

Noong Marso, inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang magkapatid na sina Romyllie Batolne Lau at Ruby Batolne, dalawa sa may-ari ng Satarah Wellness na idiniin sa investment scam kung saan daang milyong piso ang nahuthot sa mga nabiktima.

Ang sinasabing utak ng Satarah ay isang Wing Pan Henrich Lau, at sinasabing tumakas na palabas ng bansa.

Pinangakuan umano ng mga suspek ang mga biktima ng 26 hanggang 30 percent na kita sa kanilang investment.

Isa umano sa nabiktima ay isang rural bank na nakunan ng P150 milyon kaya’t nagsara ito.

Kabilang ang Office of the Solicitor General (OSG) sa nagsulong ng kaso.

The post Mga bank account, sasakyan kinahon sa Baguio scam appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *