Mga baka apektado rin sa water interruption

MAGING ang produksiyon ng gatas ng mga baka sa Baguio Animal and Breeding and Research Center (BABRC) ng Department of Agriculture-Cordillera (DA-Cor) ay apektado ng nararansang tagtuyot.

The post Mga baka apektado rin sa water interruption appeared first on Abante News Online.

mga baka apektado rin sa water interruption - Mga baka apektado rin sa water interruption
ater - Mga baka apektado rin sa water interruption

MAGING ang produksiyon ng gatas ng mga baka sa Baguio Animal and Breeding and Research Center (BABRC) ng Department of Agriculture-Cordillera (DA-Cor) ay apektado ng nararansang tagtuyot.

Ayon kay BABRC pro­ject assistant manager Dr. Leisley Deligen, bumaba ang produksiyon sa Baguio City ng gatas ngayong taon kung ikukumpara sa mga nakaraang taon.

Sinabi ni Deligen, aabot lamang sa anim hanggang pitong litro ng gatas ang nanggagaling sa isang dairy cattle o baka sa isang araw.

Inihayag ng opisyal na mas mababa ito kumpara sa 12 hanggang 13 litro ng gatas sa bawat baka noong 2017 hanggang 2018.

Samantala, inayos ng BABRC ang water supply sa pasilidad at sila ay nagtanim ng mga damo para sa karagdagang pagkain ng mga baka na nagpo-produce ng gatas para sa mga dairy product.

Tinututukan din ng BABRC ang pagpapalago sa cattle population para sa mas malakas na milk production sa Baguio City. ­(Allan Bergonia)

The post Mga baka apektado rin sa water interruption appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *