Mga alkalde na bigo sa ‘clearing ops’ sususpindihin ng DILG

Mga alkalde na bigo sa ‘clearing ops’ sususpindihin ng DILG

PAPATAWAN ng suspensiyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduar­do Año ang mga lokal na opisyal ng gobyerno na hindi nakasunod sa pagsasagawa ng ‘clearing operations’ sa kanilang nasasakupan.

mga alkalde na bigo sa clearing ops sususpindihin ng dilg - Mga alkalde na bigo sa ‘clearing ops’ sususpindihin ng DILG
eduardo ano 1 - Mga alkalde na bigo sa ‘clearing ops’ sususpindihin ng DILG

PAPATAWAN ng suspensiyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduar­do Año ang mga lokal na opisyal ng gobyerno na hindi nakasunod sa pagsasagawa ng ‘clearing operations’ sa kanilang nasasakupan.

Gayunman, ayon kay Año, hindi pa huli at bibigyan niya ng pagkakataon ang mga lokal na opisyal na makapagpaliwanag kung bakit hindi nakasunod sa mandatong linisin ang mga kalsada sa kanilang lungsod.

Aniya, may proseso naman silang susundin bago susupindihin o husgahan kung nakasunod o hindi ang mga local government unit at kung sapat naman ang dahilan ay bibigyan pa nila ang mga ito ng ikalawang pagkakataon.

“Kung halimbawa ay kaya namang ma-comply within a certain of extension at kaya naman, hindi naman tayo ganito kalupit. Ang purpose nito ay mapaganda ang pagseserbisyo. We will be reasona­ble. Pero ‘yun talagang beyond at talagang sinuway niya talaga, kailangan talagang parusahan,” giit ng kalihim.

Kasabay nito, maging ang mga konsehal at mga kapitan ng barangay ay hindi umano lusot sa ipapataw na parusa kapag hindi sila nakapagpasa ng ordinansa o kaya ay hindi nila binago ang isang ordinansa na nakapagdulot ng obstruction.

Sa darating na Oktubre 4, araw ng Biyernes ay nakatakdang ilabas ng DILG ang resulta ng gagawin nilang ebalwasyon hinggil sa 60-araw na clearing operations na ikinasa ng mga LGU. (Dolly Cabreza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *