Mga alkalde masisibak kapag ‘di nalinis ang kalsada -DILG

HINDI na palalawigin pa ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 60 na araw na taning sa lahat ng Local Goverment Units (LGU) para makumpleto ang ‘road clearing operations’ sa kanilang nasasakupan.

mga alkalde masisibak kapag di nalinis ang kalsada dilg - Mga alkalde masisibak kapag ‘di nalinis ang kalsada -DILG
abante DILG - Mga alkalde masisibak kapag ‘di nalinis ang kalsada -DILG

HINDI na palalawigin pa ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 60 na araw na taning sa lahat ng Local Goverment Units (LGU) para makumpleto ang ‘road clearing operations’ sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, wala siyang ibinigay na extension sa lahat ng alkalde para linisin ang mga lansangan sa kani-kanilang nasasakupan.

Magugunitang July 29 nang atasan ng DILG ang lahat ng LGU na sumunod sa naging State of the Nations Addres (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang mga lansangan mula sa anumang hadlang para magamit ng taong bayan.

“All over the country, nakikita ko lahat naman ay sumusunod. Makakaya natin ‘to,” ani Año.

Sinabi ng DILG Chief, pagkatapos ng 60-days ay gagawa sila ng ‘assessment’ at ‘accomplishments report’ at kung sino mang LGU na hindi nakasunod ay papatawan ng parusa at sisibakin sa kanilang trabaho.

“It would range from reprimand, suspension up to the dismissal. Dapat kung gusto nating madisi­plina ang ating mga mamayan, magsisimula ‘yan sa mga leader ng mga local government,” pahayag pa ni Año.

Pagkatapos ng clearing operations na isinagawa ng LGU ay dapat namang bantayan at panatiliin ng mga barangay official ang kaayusan at kalinisan sa kani-kanilang nasasakupan. (Dolly Cabreza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *