Mga adik sa internet sa ‘Pinas lumobo

Habang si Reuben Czarina Gica, 23-anyos, residente ng 71 San Roque St., San Juan City naman ay halos siyam hanggang sampung oras siyang nakatutok sa internet, dahil sa paglalaro ng mga game sa online.

The post Mga adik sa internet sa ‘Pinas lumobo appeared first on Abante News Online.

mga adik sa internet sa pinas lumobo - Mga adik sa internet sa ‘Pinas lumobo
internet - Mga adik sa internet sa ‘Pinas lumobo

Ni Dolly Cabreza

Habang si Reuben Czarina Gica, 23-anyos, residente ng 71 San Roque St., San Juan City naman ay halos siyam hanggang sampung oras siyang nakatutok sa internet, dahil sa paglalaro ng mga game sa online.

Ito rin aniya ang kaniyang gamit para maka-relate sa kanyang mga kamag-anak na nasa ibang bansa.

Magandang
serbisyo ipinangako ng Third Telco

Kamakailan lang ay naghain ang Third Telco, ang Mislatel ng 26 na pahinang plano na nanga­ngakong magbibigay ito ng mas magandang serbisyo kumpara sa Smart at Globe.

Ang asosasyon ay binubuo ng Dennis Uy’s Udenna Corporation at Chelsea Logistics, maging­ ng Chinese state-run firm China Telecommunications Corporation.

Kung sakaling maga-grant ng National Telecommunications Commission ang certificate of public convenience at iba pang kinakailangan ngayong taon, puntirya ng Mislatel na magsimula ng commercial rollout ng network nito sa hu­ling bahagi ng 2020.

Gagawa ito ng paunang high-quality 4G network at sisimulan ang ebolusyon 5G. At unang masusubukan sa Metro Manila at kalapit na mga lugar nito katulad ng Central Luzon, Calabarzon, at Ilocos Region ang serbisyo nito.

Target ng Mislatel ang 37% na population coverage sa unang taon ng operasyon nito at 84% coverage matapos ang limang taon.

Hangad nitong wakasan ang duopoly ng Smart Communications at Globe Telecom, at lubos na umaasang pababain ang gastos ngunit pabilisin ang bilis ng internet.

Ang Mislatel ay pinangungunahan ng Uy’s holdings firm Udenna Corporation at listed company Chelsea Logistics. Hawak ng Uy’s companies ang 60% ng asosasyon.

Si Uy ay chief exe­cutive officer (CEO) ng Udenna, habang si Chryss Alfonsus Damuy ay CEO ng Chelsea Logistics.

Ang iba pang kompanya sa ilalim ng Udenna ay Phoenix Petroleum, Udenna Development Corporation, Udenna Infrastructure, at isa pang holdings firm na tinatawag na PH Resorts Group. Ang natitirang 40% ay hawak ng Beijing-run China Telecom.

Bagama’t ang mgs Uy’s company ay walang karanasan sa paghawak ng telecommunications, ang China Telecom ay nasa business na sa loob ng mahigit dalawang dekada. Ang kompanya ay itinatag noong 1995 at kinokontrol ng Chinise go­vernment at ang net profit nito as of 2017 ay umabot na sa $2.97 bilyon.

Pumangatlo ito sa market share sa China, na may 19% ng total mobile subscriber. Ito ay walang binatbat sa China Mobile, na nakakuha ng 60% market share, at malapit naman sa China Unicorn na may 21%.

Kung sa mobile internet speed, ang China ay nasa 50th place lamang sa buong mundo na may average na 29.36 megabits per second (Mbps), habang ang Pilipinas ay nasa 15 Mbps lamang ayon sa speedtest.net data.

The post Mga adik sa internet sa ‘Pinas lumobo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *