Mexico tiklop sa bantang buwis ng Estados Unidos

Pumayag na ang Mexico na gumawa ng paraan para makontrol ang pagtawid ng mga migrant sa Estadod Unidos upang makaiwas sa dambuhalang tariff na balak ipatupad ni President Donald Trump.

The post Mexico tiklop sa bantang buwis ng Estados Unidos appeared first on Abante News Online.

mexico tiklop sa bantang buwis ng estados unidos - Mexico tiklop sa bantang buwis ng Estados Unidos
ABANTE mexico - Mexico tiklop sa bantang buwis ng Estados Unidos

Pumayag na ang Mexico na gumawa ng paraan para makontrol ang pagtawid ng mga migrant sa Estadod Unidos upang makaiwas sa dambuhalang tariff na balak ipatupad ni President Donald Trump.

Sa serye ng mga tweet, isiniwalat ni Trump na may kasunduan na para suspendihin ang pagpapairal ng tariff sa katabing bansa.

Naunang nagbabala si Trump na papatawan niya ng 5% ang import duty at tataas ito kada buwan hangga’t hindi pumapayag ang Mexico na kontrolin ang pagtawid ng mga immigrant sa US.

Ang deal ay kinumpirma din ni Foreign Secretary Marcelo Ebrard ng Mexico.

Sa nasabing kasunduan, magpapakalat ang Mexico ng karagdagang 6,000 National Guard upang bantayan ang kanilang border sa katabing bansang Guatemala upang mapigilan ang pagpasok nila sa Mexico patungong US.

Ibabalik din ng US sa Mexico ang mga humi­hingi ng asylum habang pinag-aaralan ang kanilang aplikasyon.

The post Mexico tiklop sa bantang buwis ng Estados Unidos appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *