Metrobank hinarass si Sherwin

NABUWISIT si Senador Sherwin Gatchalian sa isang malaking bangko dahil sa walang patid na pagtawag sa kanya para bigyan ng paalala sa bayarin ng kanyang credit card.

The post Metrobank hinarass si Sherwin appeared first on Abante News Online.

metrobank hinarass si sherwin - Metrobank hinarass si Sherwin
abante Sherwin - Metrobank hinarass si Sherwin

NABUWISIT si Senador Sherwin Gatchalian sa isang malaking bangko dahil sa walang patid na pagtawag sa kanya para bigyan ng paalala sa bayarin ng kanyang credit card.

Ang ikinaiinis pa ni Gathalian, sinisingil siya sa mga ‘non-existent dues’.
Ibinulalas ng senador ang kanyang sama ng loob sa Twitter kung saan sinabihan niya ang bangko na isara na lamang ang kanyang credit card at lilipat na lamang ito ng ibang bangko.

“@metrobankcardph Please stop calling me non-existent dues. Pang apat na kayo tumawag, apat na rin beses ko sinagot kayo. Nakakaabala na kayo,” ayon sa kanyang tweet.

“@metrobankcardph you guys are so inconsiderate. Please cancel mo credit card already. I will move to a different bank,” dagdag pa niya.

Binanggit naman ni Gatchalian sa Abante na hindi pa siya kinakausap ng mga opisyal ng bangko mula nang ireklamo niya ang pangungulit ng kanilang mga empleyado.

“Wala pa. Kulit eh. Tawag nang tawag pare-pareho tanong. Wala naman akong pass due sa kanila,” himutok ng senador.

Sinikap naman ng Abante na hingan ng reaksyon ang Metrobank subalit hindi ito makontok habang sinusulat ang balitang ito.

The post Metrobank hinarass si Sherwin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *